Finally!! Meet My Little Princess

DOB: May 19, 2020 EDD: May 22, 2020 3.56 kg 50 cm Via NDS Hi mga mamshies!! Meet my little princess Liana Arabella!! ??? Share ko lang naramdaman ko ang contractions May 19 7AM then before 8AM sinugod na ako sa ospital. Inadmit ako dahil 6cm na ako sunod sunod na ang contractions. Bandang 9:30AM 8cm na ako pinaere ako at pumutok na panubigan ko. 10AM pinunta na ako sa operating room. 10:57am lumabas na si baby. Ramdam na ramdam ko ang sakit, kung paano linisin ang bahay bata ko at kung paano ako tahiin. Pero lahat ng pain nawala after ko marinig iyak ni baby at nung nilagay na sya sa dibdib ko. Ang saya sa pakiramdam na nailabas ko na sya after 9 months. Good luck and God bless sa mga hindi pa nakakaraos! Dasal at tiwala lang kay Lord!!

Finally!! Meet My Little Princess
2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Congrats po.😍😍😍