A SAD REALITY☹️
Dito sa Pilipinas PAG BABY MO MAITIM, TODO LAIT SILA. KAPAG MAPUTI, TODO PURI SILA. PAG BABY MO PANGO, SABIHIN KINULANG SA ILONG. PAG MATANGOS NAMAN GANDANG GANDA SILA/GWAPONG GWAPO SILA. PAG BABY MO MAPAYAT,DI NILA PABORITO.PAG MATABA KINAGIGILIWAN NILA. PAG BABY MO PINANGANAK MONG GWAPO/MAGANDA MAS MAMAHALIN NILA. KAPAG DI NILA GUSTO ANG ITSURA, AAYAWAN NILA. PAG BABY MO MALIIT, KULANG SA NUTRISYON. PAG MALAKI,NAPAPAWOW SILA. PAG GATAS NG BABY MO MUMURAHIN, SABIHIN PAGLAKI NYAN BOBO. PAG MAMAHALIN NAMAN, PAGLAKI NYAN MATALINO. PAG BABY MO KALBO,PAGTATAWANAN NILA.PAG MAKAPAL NAMAN ANG BUHOK, KANINO SYA NAGMANA? PAG BABY MO IYAKIN, SABIHIN SAYO SINANAY MO KASI. PAG BIBO NAMAN TUWANG TUWA SILA. PAG GAMIT NG BABY MO MUMURAHIN,MAGSASUGGEST PA SILA NA IBANG BRAND ANG GAMITIN. PAG MAMAHALIN NAMAN SABIHIN, ANG MAHAL NYAN BUTI NABILI MO. PAG DAMIT NG BABY MO TAG BEBENTE PESOS, SABIHIN WALA KA BANG PANGBILI. PAG NAMILI KA NAMAN NG MAHAL SABIHIN KALALAKIHAN LANG NILA YAN MAHAL PA ANG BINIBILI MO. PAG BABY MO NAGKASAKIT, KASALANAN AGAD NG NANAY. GANITO SA KAPANGHUSGA ANG MGA TAO DITO SA PILINAS. HINDI KO NILALAHAT, PERO KARAMIHAN GANYAN. This is actually my own experience. Bilang isang ina masakit na palagi nakukumpara at nahuhusgahan ang mga anak nating wala pang kamuwang muwang. Pero kung papatalo tayo sa kanila, para na din nating sinang ayunan ang sinabi nila sa anak natin. Tayong mga ina, alam palagi kung anong makakabuti para sating mga anak😊. Kaya kung wala naman tayong nakikitang problema, pagpatuloy lng nating mabuhay ng masaya dito sa mundong punong puno ng mapanghusga. Ang importante hindi tayo kagaya nila😊.