pwde po .ba painom si baby ng oregano newborn pa po siyq

dikopo alm

14 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Ako po yung baby ko pinainom ng byanan ko ng oregano na kinatas sa mainit na tubig nung nag 1month old sya. Ayoko nga sana pumayag kaso di naman ako makakontra dahil nasa puder kami ng byanan ko. After mapainom si baby nagtanong ako sa mama ko at tita about sa pagpapainom ng mapapait sa baby. Para daw sa taon ng bata, yung taon daw ay yung pagkain na nakain ni baby habang nasa loob pa sya ng tyan na hindi pa daw naipupupu ni baby. Actually di naman ako naniniwala sa ganon since wala naman nababanggit ang mga pedia about sa ganyan. Pero dahil ayoko na din magkaconflict kami ng MIL ko, hinayaan ko na, malamang kakatwiran din sa akin na ganon din ginawa sa mga anak nila dati. Sa kabutihang palad ok naman si baby, wala naman nangyari sa kanya. Siguro 6x din sya napainom.

Magbasa pa
11mo ago

Totoo yan mamsh di mo po alam kung susunod ka nga ba talaga sa mga kasabihan nila. natatakot dn ako para sa baby ko pero may sinasabi pa sila na pag dw di yta nakainom ng mga mapapait kuno e sasakalin ng taon at pwedeng mamatay.

No po. Kung breatfeed si baby, padedein lang po ng padedein, mas okay pa po yan kesa sa oregano. Pa check niyo din po sa pedia para mabigyan ng tamang gamot. Wag mag self medicate, pls 😞 kawawa ang bata. May namatay na po sa ganian, pinainom ng katas ng dahon ng ampalaya yung baby 😞

6months ko po pinainom ng oregano si baby, and effective po sya. Di naman po sa ayaw ko siya ipacheckup sa pedia ang sakin lang po ayoko naman na masanay ang baby ko sa gamot 😊 mas okay pa rin po in natural way.

No po. May nagpa check up sa center, I overheard yung sermon ng nurse sa parents na "kayo ngang matatanda ayaw ng lasa ng oregano bakit nyo pilit pinapainom sa bata?" Hindi po recommended ang oregano for babies.

masyado pong potent o malakas ung mga herbal po na ganyan . baka hindi papo kaya ng katawan ng isang newborn . . mas okay po na magpa consulta po kayo sa doctor para maresetahan ng tamang gamot na may tama pong dosage

1y ago

hindi papo pwede. gatas palang po kayang i digest ng tyan ng baby baka magkaron sya ng sakit sa tyan kung papainumin ng ganito . magpa konsulta na po kayo sa doctor para maresetahan ng tamang gamot at dosage na kailangan nya . wag po basta basta nagpapainom po ng herbal lalo po sa newborn

NO. Please lang newborn pa yan. Maselan pa yan. Ipa check up nyo po yan sa pedia. Kung walang budget, may health center po na libre ang check up, minsan nagbibigay pa sila ng gamot.

big no no po. 1st of all...gatas kng pwede ipainom sa sanggol hanggang 6 months. kahit herbal yan di pa yan pwede momsh. kunh may karamdaman ang bata..magpakonsulta sa doctor.

Big no.. kahit ilang bwan pa yan baby no po sa self medicate lalo na Newborn yan. pacheckup po agad sa Pedia

Nung newborn baby q as in 3days old palng pinainom ng byenan q ng katas ng ampalya

No po. Nakakamatay po ng baby yan. Water nga bawal pa sila pag NB.