Diko alam gagawin
Diko po alam pano sasabihin kay Hubby na Reactive ako sa Hepa B. Im 5 months preggy, alam ko malalaman nya din pag labas ni Baby kasi e vavaccine po ang baby ko. Kaso natatakot ako sabihin kay Hubby diko alam gagawin ko, diko alam magiging reaction nya pag sinabe ko?

Much better po mag pa second opinion po kayo. Share ko lang din po, nag pa check up ako sa center po sa dami namin isa ako sa 4 na may Hepa B. Nakakastress talaga pag nalaman mong may ganon ka. Nag pa test ako ng 3x sa ibang Lab. Sa awa ng Diyos NONREACTIVE po ang resulta. Tska nag wowork po ako every year po nag memedical kami sa work namin. Nag pakuha po ako ulit sa work namin NONREACTIVE din po ang Result. Nakakapag taka din po sa Center dahil ang Sabi nung RMT saakin ay REACTIVE daw po. Pero ang REMARKS sa record ko NONREACTIVE.
Magbasa pa