40 Replies

hindi agad ako nasundo ng patner ko papasok ako nung mga panahon na yun panggabi. hindi niya ko nasundo dhil tulog galing silang inoman . alam mo yung feeling na pagod k na sa gawaing bahay laba linis asikaso sa bata tpos pahinga konti tapos duty na 10pm to 6am tapos papasundo ka lng d k nasundo pinayagan mo ng makipag birthday tapos nun diretso n sya ng work niya doon n naq pahinga gawa mg maaga pa naman pra sa duty niya. ako na nga naglakad ng malayo gawa ng walang masakyan ilang beses n ko tawag ng tawag walang sumasagot siya pang galit ako pang sinigawan. sabi ko itabi mo.ang motor baba ako.uuwi n lng ako. ndi niya tinabi. sabi ko tatalon ako. hinamon pa ko so.ayon tumalon nga ako nahimatay daw ako.eh may sugat sa ulo ko nag dugo. hanggang ngayon wala pa din ako pang amoy mag 1.yr na. and ito pa buntis pala ako nun d ko alam sa awa ng diyos maayos ko nailabas ang baby ko last march.

Yung sabihan ko ng msasakit asawa ko . Tapos sya wala lang Kibo . pag tapos ng galit ko pag naisip kona tapos nkikita ko syang malungkot . mas nsasaktan ako . Pero dati yun bata pa ksi kmi ngayon wala ng ganon hehehe . Mas naging matatag na kmi . puro maliit na bagay lng pinag aawayan nmin at natural lng naman yon . sobrang bait nya , Masipag , maalaga , at sobrang mapag mahal lalo na sa anak . Hndi sya nag rereklamo kahit sya na nga hanap buhay sya pa linis bahay sya pa laba ng mga dmit namin 😅 Buntis ksi ako now sa 2ns baby and bawal kumilos bedrest lang talaga . Buti nalang napaka maintindhin nya 💖🙏 may time lang talaga na mdali maginit ulo nya . Pero wala sya palag skin ngayon pag snumpong ang buntis 😅🤣

VIP Member

Nakipagsabunutan but that was sooo highschool days pa.. Pumasok ako sa school my hangover, natutulog ako ung classmate ko naghaharutan, natabig nla ako ntumba upuan.. (db sabi nla magbiro kn sa lasing wag lang sa my hangover 🤣😂 ayun sobrang galit ko sinabunutan ko ung classmate ko tapos naging fight of the year pa.. xe walang makapalag dun s classmate ko bukod tanging ako lang nakagawa nun sa knya.. simula nun naging maamo cya sakin wla pa ko sinasabi pagtnatawag ko bibigyan kaagad ako ng meryenda, gagawin nya assignment namen, bibitbitin nya mga gamit ko.. nakakatawa lang.. my golly.. but now goodgirl na ko kaya d ko lng sure kung ano kaya kong gawin if ever na may mangyreng d maganda

Palagi ko po inaaway partner ko, sya pinag bubuntunan ko ng galit, to the point na umaalis sya ng bahay, umuuwi sa kanila hehe. May physical attack na nangyayari. Then ako pa iiyak pagkatapos. 😁 I don't know, di ko mapigilan 'yong inis ko sa kanya. Kahit sa konting bagay, pinag-iinitan ko siya. But I hope naiintindihan niya emotions ko right now. 😊

Yung time na parang lageng inis sakin asawa ko lage syang may comment sa mga ginagawa ko tas para sa kanya lageng mali yung mga ginagawa ko umiiyak ako tas pag gabi humihingi naman sya ng sorry tas sinasabi ko sa kanya na tapos na ko maglihi kaw di pa rin hehehe tas sasabihin nya iniiwasan ko na nga magalet sayo e..

yung nasasabihan ko ng masasakit na salita asawa ko..pero anu iexpect natin kapag galit ganun tlaga may masasabi ka tlagang masakit pero matutu tayong icontrol sarili natin😊minsan nga pag galit ako d nalang ako nagsasalita eyy..iiyak nlng ako tapos bigla nlng nya yan ako yayakapin😊

pinalabas ko ng bahay yung asawa ko tapos sinaraduhan ko ng pinto 😅😅😅 nanatili lng sya sa tapat ng pinto..pag akyat ko sa kwarto pinapasok din uli sya ng kapatid ko.. isip2 ko nun..ang lakas ng loob kong palabasin ng bahay ung taong nagbabayad ng upa namin hahahaha

VIP Member

oo i regret it after...nkpg away ako kay hubby, thats during my first trimester may mornig sickness kc ako non, kahit walang kabagay bagay inaaway ko asawa ko tapos iiyak ako, tapos i explained naman sa kanya na baka may hormonal imbalance kasi pag preggy kaya moody

nung nagalit ako sa pamangkin ko ng dahil sa asukal..hinabol ko xa at binato ng bote ng toyo buti nlng hindi xa tinamaan..sa samento tumama ayun basag ang bote tapon ang toyo...😂..i regret kasi sayang ung toyo..😅

Nagawa kong magwala at ilang beses nasuntok ko sa mukha asawa ko pero sa awa ng diyos di sya gumati kundi umiyak lang sya. Nung nahimasmasan ako. Naiyak n den ako nag sorry ako. Simula nun diko na inulit 😅😢

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles