Mga momshie, ano po usually suot niyo during 1st trimester pag magpapa-TVS?
Di po kasi sanay magdress and skirt 😅 FTM here po and curious talaga ako ano dapat suot pag scheduled for TVS para sure na tama po masuot ko na damit and if ok lang din na naka-pants. Thanks momshies!

Wala naman pong required na isuot lalo at 1st tri ka pa lang naman po. If gusto mo mag pants go ahead po. Huhubarin mo lang yun unlike pag dress itataas lang pero okay lang yun. Suotin mo kung ano yung komportable kang isuot mi.
dress ako kasi para underwear lang tatanggalin. pero wala namang dress code talaga. nasa sayo yung comfort mo, sakin lang nakabestida ako or palda.
sa hospital na pinagpapcheck-up-an ko po nitong 2nd baby ko, malong ang pinapagamit nila, dress or pants or leggings man suot mo.. depende po sa clinic or hospital, sa una kong baby kasi ibang hospital yun, may gown na binibigay pag nakaleggings/pants pero pag nakadress, yun na yun, panty lang tatanggalin. basta kung ano ang tingin mong komportable ka suotin, suotin mo lang po.