22months old

Di pa siya mahilig kumaen . Kumaen man siya tikim lang.. Laging dede lang hinahanap niya. Ok lang ba un? Sino relate.?

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

2x lang magbigay ng milk (recomended even if you check the instruction at the back of the milk can) ng mas marami siyang makain na solid foods. Pakainin siya sa tamang oras (make a routine). Huwag magbigay ng food 1hr before the big meal lalo na yong matatamis (like biscuit, juice) mawawalan siya ng gana kumain pag ganun. At patience patience patience lang talaga. Aim for nutritious food lang din. Baby ko at 17 months magaling kumain talaga at may routine talaga kami sinusunod. 6:30 wake up nya tapos milk. 8am breakfast. 10:30 am snack. 12pm lunch 3:30 pm snack 6:00pm dinner. 7:00pm milk then bedtime. No other food or snack except sa mga oras na yan.

Magbasa pa