MYTHS VS. MEDICAL FACTS

Di naman masama na maniwala tayo sa Myths na kinalakihan natin at kinatandaan na ng ating mga magulang. Pero di din naman siguro masama na isantabi muna ang mga ito lalo pa't nalaman mo na nakakasama pala sya para sayo at sa iyong anak. Habang nagbubuntis pa lamang ang isang babae hanggang sa makapanganak at maging hanggang sa pagpapalaki ng kanyang anak, may mga pamahiin at kasabihan na itinuturo sa atin. Pero kung susuriing mabuti, ito ay taliwas sa mga medical facts na marami sa atin ay di nakakaalam o aware man lamang. Kadalasan din sa ating mga ina ay walang lakas ng loob kontrahin ang mga matatanda dahil sa respeto, hiya o maging sa kakulangan sa kaalaman. Pero sana wag umabot sa punto na may mangyari na satin o sa anak natin dahil sa mga gantong dahilan. Ako ay isang ina ng isang napaka masayahing 3 months old na baby. Nung nagbuntis ako pinagbabawalan ako ng MIL ko na matulog sa hapon at bumangon ng tanghali na. Which is pinagsisihan ko kasi napagod lang ako at nagtiis ng antok dahil di ako makatulog ng maayos sa gabi, kaya sana tuloy tuloy ang tulog sa umaga at matutulog ulit sa hapon. Nung 8 mos. Palang ang tiyan ko sinabi sakin na maglakad lakad na ako sa umaga at gumawa ng gawaing bahay para matagtag na syang naging dahilan kung bakit nalagay sa panganib ang buhay ng aking dinadala. Nung nakaramdam ako ng pananakit sa puson at balakang pinainom ako ng tubig na may asin. Paraan daw to ng mga matatanda para malaman kung naglilabor ka.na ba talaga. Pag tumigil daw ang pananakit after inumin ang tubig na may asin or shall I say tubig dagat na (taste like eh) na syang naging dahilan ng UTI ko at hirap sa panganganak. Pagkapanganak ko, pingabawalan akong maligo at ang anak ko sa loob ng 10 araw which is contradicting dun sa binilin ng OB/midwife na after 24 hrs pwede na maligo. Summer ako nanganak kaya struggle saming mag ina. Not knowing na delikado pala samin un kasi pwede sya mag cause ng heat stroke, severe skin rashes or worse SIDS sa anak ko. Pinagbawalan din ako paliguan si baby tuwing Tuesday at Friday, salungat sa sinabi ng experts na everyday dpaat paliguan ang bata. Ung paglalagay ng oil sa katawan na nakakadagdag sa init ng katawan, pagkapanot at mas kakapitan pa ng germs ang bata. Nung nagkaroon ng umbilical hernia ang anak ko sobra sobrang pang babash ang inabot naim ng asawa ko kasi pinabayaan daw namin si baby. Dumating sa point na nagself medicate na ang MIL ko kung ano anong nilalagay sa pusod ng anak ko. Hindi daw kasi namin binigkisan kaya napasukan ng hangin at tubig sa loob. Which is salungat din sa sabi ng mga experts na 10-20% ng mga bata ay nagkakaroon talaga nito. At ito ay muscle abnormality or undevelopment. Nung naghilom ang sugat ng pusod ni LO ko may isang butas na maliit ang naiwan, na maaring nung umiri sya may lumabas na liquid, fat or small intestine kaya bumukol ang pusod nya. Salungat sa sabi nila na napasukan ng hangin at tubig. At sabi pag 4 months na si LO papakainin na o papatikim tikimin ng mga sabaw sabaw. At papainumin ng tubig para di madehydrate. Pero ang totoo dapat sa 6th month pa dapat pinapakain si LO at pinapainom ng tubig. Ang gatas ng ina ay sapat na para mag support sa pangangailan ni baby. Kasi un lang naman talaga kailangan nya sa 6 months na un wala ng iba. Ang pagpapainom ng tubig ay pwedeng mag cause ng pamamaga ng cells ng bata o example nalang ng utak ng bata na pwede nyang ikamatay. Isa pa di dapat pinapakain si baby ng solid foods na kinaugalian na natin. As much as possible blended lang dapat. At sa loob ng 1 taon no salt dapat. At may nabasa ako na pinakain ng taba ng baboy para di magibg pihikan sa pagkain. FYI mga momsh ayon sa isang research may mga tamang paraan para di maging pihikan ang yong anak, isa rito ang pagpapakain sa kanya ng matatabang na pagkain sa loob ng isang buwan. Kasi pag matamis o sabihin na natin na malasa na agad ang pinakain mo. Maaring ayawan nya na ang mga matatabang na pagkain. Kaya hanggat maari matatabang muna sa 1st month ang ipakain kay baby. See mga momsh? Pag wala tayong alam tayo ung luge kaya mas better na mag conduct din tayo ng sarili natin research. Di naman masama na sumunod as long as safe naman. Sana merong isang tao na kayang magpaliwanag nito sa lahat para malinawagan tayo. At sa susunod double check muna kung reliable ba ang mga pamihiin.

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

👏very well said Po. Hehe

Up