First Time Mom to be

Di maidedeny talaga na nagingibabaw ang worries para sa health ng baby inside our tummy. Healthy ba sila paglabas.. Etc.. etc.. Tapos dagdag pa ang responsibility natin pag nakalabas na sila. Are we good enough for them? Tanong na mga ganyan.. Haaay.. Late night thoughts lang mga mamsh..

28 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sa naun momsh ang isipin natin maisilang natin ng maayos c baby.. mapag aaralan naman natin panu ang pag aalaga paunti unti, ang pagiging isang mabuting ina nasa sayo yan.. ako kasi pinagpipray ko tlg ke lord na sana gabayan nya ko upang maging mabuting ina sa baby ko, gawin lang natin best natin para mapabuti sila. Palagi ko dn pinagpipray na sana maging healthy sya at walang kapansanan.. magpray lang po tayo, kakayanin natin lahat.

Magbasa pa

true, ang hirap talaga maging babae. Sa buong 9months ng pagbubuntis mo super ingat ka sa bawat galaw at kinakaen naten, tapos pag kabwunan muna maghahanda kana sa sakit ng labor at hindi pa natatapos ang lahat sa panganganak kasi paglabas ni baby asahan naten lagi tayong puyat 😂 Hays, pero sobrang worth it pag nakikita naten silang nakangiti lahat ng hirap at pagod nawawala hehe 😊

Magbasa pa

Yah, parang kanina lang iniisip ko yan. Sabi nga ng hubby ko "dont worry, alam kung magiging mabuti kang nanay at andito naman ako hindi kita pbabayaan." Nag worry ako kasi lumaki ako sa bugbog ng tatay ko hindi ko alam kung pano ko sya didisiplinahin ayaw ko namng iparanas sa knya yung nranasan ko. But, Think positive nalang at excited na kung makita ang baby ko😊

Magbasa pa
VIP Member

Same sis. Excited na parang nakakakaba. Sobrang gusto mo makita si baby at i-check lagi kung okay ba siya. Tapos excited ka na rin paglabas niya sa mga gagamitin. At kinakabahan kasi dahil first time hindi po pa gaano alam yung gagawin. Pero mabbuild up din naman natin yan soon. Wag tayo mag-worry kasi kayang-kaya natin ito! ❤️

Magbasa pa

Siguro po wag tayo mag focus sa thoughts na kung pano maging mabuting ina, kasi po wala naman pong perpektong nanay or magulang. The best thing that we can do is wag tayong magkulang sa mga anak naten then make them feel na lagi tayong nasa tabi nila specially pag nag aaral na sila. Pray lang po palagi. 😊😊

Magbasa pa
VIP Member

You don’t have to worry that much... as long as aalagaan mo baby mo, provide all the needs,and enough attention then wala nmn magging problem. Enjoy the moments na asikasuhin sila, mabilis lang ang panahon mabilis silang lumaki. Like mine ang lalaki na ng mga anak ko.

Same here. Hays, di pa naman ako marunong mag alaga ng baby, lalo na kase di ko talaga hinahawakan ang mga baby or binubuhat nung hindi pa ako buntis. At iniisip ko yung future nya agad na sana di sya matulad sakin na Hirap sa pag papaaral ng magulang.

mga momshie yan din tanong k osakin nun yung responsibilities kung kaya ko o hindi at ang sagot nung lumabas baby ko.. Wala akong choice kundi kayanin kasi sakin nakadepende ang anak ko.. Kaya nyo yan mga momshieee

Same thought mommy, medyo mahirap lalo na wala pang nakakaalam na preggy ka ☹️ hirap magopen up na magkakababy kana kasi hindi mo alam kung matutuwa o madidissapoint sila. Hayyyys

Aq. Di ko na iniisip yan kasi im happy to be a mother and to have this child in my tummy ganun kasi pinaparamdam din sakin ng both parnts namin and ng hubby ko