Need Advice

Di ko na po alam gagawin ko, stress po ako sa trabaho and stress na din po ako sa bahay, 12weeks and 1day po ako today and alam ko po na hindi magandang mastress sa mga bagay bagay. Ganito po kasi yan, Gusto po kasi ng hubby ko na humiwalay kami ng bahay sa mother niya, so simula po nung nalaman kong preggy ako nag patayo po siya ng bahay namin and hanggang ngayon po namomroblema po kami kung saan kami kukuha ng pang gastos sa bahay tapos sumabay po yung sa follow up check up ko sa nov. 30. Ang problema ko po dito is anytime na umuuwi po ako galing work, nakikita ko si hubby na umiinom and pag nalasing uuwi tapos sisisihin po ako sa mga nang yayari. And onetime nasabi po niya na hindi na niya ko tutulungan sa panganganak ko at ako na din po bahala sa mga check ups ko. And may mga need pa po kasi akong lab. Sobrang sama po ng loob ko kasi kung makapag salita po siya ng ganon parang wala nalang kaming halaga sa kaniya and take note first baby po namin tong pinag bubuntis ko sa 4and half years naming pag sasama. Parang naging kasalanan pa namin ng magiging anak niya na lubog na siya sa problema. Kaya ang nasabi ko nalang po Kakayanin ko naman kahit walang tutulong sa akin, Kahit alam ko po sa sarili ko na hindi ko na talaga kaya. Kasi yung kinikita ko sa trabaho kulang na kulang para sa mga needs namin ng future baby ko. 💔Pagod na po ako #Need_ko_yung_advice_niyo

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Pakatatag ka, deep breaths and let go. Wala tayo control sa isip ng ibang tao. Sarili lang natin ang kaya natin ma control. Just focus on urself and ur baby. Pag isipan mong mabuti, with great determination, kung paano kayo makakaraos ni baby mo. Believe in urself. Kaya mo yan. Good luck!

2y ago

Thankyou mi❤