PUS CELLS ANG PROBLEMA KO
Di ko na alam gagawin ko mga mommy, unang check up ko umabot sa 30 ang PUS CELLS sa Urinalysis ko so nag-gamutan kami kaso nakulangan sa budget kaya incomplete ang gamot. Bumalik kami ulit dala yung urinalysis at mga payo na rin ni Doc na every 30mins.inom tubig kasabay na rin ng pagiwas sa mga pagkain at beverages na maaring makapag-pataas pa ng PUS Cells ko. Kaso bumaba lang ng onti, 17-25 PUS Cells ko, need ko raw ulit mapababa hanggang 10 PUS Cells, then reseta ulit si Doc ng Anti-biotic. Masaya ako dahil complete na ang nabili kong gamot kaso pagbalik ko kanina kasama ulit urinalysis ko nagulat ako dahil TUMAAS LALO!! NAGING MORE THAN 50, NAGULAT KAMI NI DOC PAREHAS AT SINUGGEST NA NYA NA I-SUERO AKO AT I-ADMIT SA OSPITAL NG MAPATAY ANG BACTERIA KASO 7500 ang gamutan at di pa kaya ng budget. Nag-advice si Doc na idaan ko talaga muna sa tubig if hindi kaagad makaka-admit. Kaya naman nagdecide na rin ako na mag 2x a day ako ng oatmeal since pataba ako ng pataba na isa rin sa iniiwasan namin. Para na rin maiwasan ang mga salt sa pagkain. Inadvice din sa akin ng iba na mag-buko juice ako araw-araw in the morning straight ng one week tapos pa-urinalysis ulit ako at hiling ko na sana umeffective. Hindi ko na nga maintidihan mga mamsh nag-alarm pa ako sa cp ko mula 7am-6pm na every 30mins ako umiinom ng tubig at kada-ihi ko rin. Bago pa ako mag-almusal ng 7am iinom pa ako ng warm water. Hindi ko na talaga alam ano gagawin ko :( maski mister ko nastress na sa akin. Naiinis ako sa pagbubuntis ko ngayon🥺 kung kelan pa ako nagka-anak saka pa nagkanda-leche leche lahat noong wala pa akong anak normal naman lahat🥺. Ang lungkot lungkot ko🥺 #1stimemom #firstbaby #PUSCellsInfection