Postpartum Depression

Di ko alam kung ako lang. Madaming times naiinis ako sa anak ko lalo na kapag drained na ako kakadede niya kahit kumain at uminom ako ng tubig as in wala akong lakas. Minsan nasisigawan at napapalo ko siya sa inis ko. Minsan din nakakapagbitaw ako ng salita na ihahagis ko nalang siya para tapos na. Hay! Madikit ng sobra anak ko sa akin. Ang gusto ko lang naman makapagpahinga kahit 1hr yung me time ko na matutulog ako. Kaso yung asawa ko konting iyak ng anak namin binabalik sa akin. Lagi ko sinasabi na sana naman matagalan niya pag-alalaga sa anak namin. Parehas kaming teacher ng asawa ko. Swerte nga kami at hands on talaga kami kay baby. Siya kasi lagi sa school kasi Custodian siya. Ako naman every other week kumbaga ako talaga nag-aalalaga sa anak namin. May katuwang naman ako yung Papa at Mama ko kasi andito pa din ako sa puder nila. Ayaw pa nila kami pagsolohin kasi nga sa situation ko. Baka daw mabaliw ako at kung ano magawa ko sa anak ko. Ano ba pwede gawin? Normal ba na ganito maramdaman ko? Diba kapag 1st baby dapat excited ka? 9mos na kami sa Feb. CS po ako. #firstbaby #advicepls

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Mommy, normal po yung mga nararamdaman mo since madameng changes na nangyayare saten pagkapanganak tapos cs ka pa. Your body needs to heal. Di lang physical. Good thing your parents are there para makatulong. Take advantage of that para magkatime ka din for yourself. Totoo your baby needs you pero mas magiging effective at efficient kang nanay if okay ka din. As per your husband, baka di lang talaga sya mahilig sa bata at maikli lang talaga ang patience nya so don’t obliged him if di nya kaya kase di lang naman tayong mommies ang pwede magkapost partum. Our husbands also feels the stress and pressure having new born. And di naman naten din masisisi lalo if first time din nya magkakababy. Both of you nag aadjust pa kaya ganyan. Magiging maayos din lahat mommy. Mabilis lang lumaki ang mga bata.

Magbasa pa