βœ•

baby with congenital heart disease

Di ko akalain na baby ko pa magkakaroon ng sakit sa puso. Ftm ako dati nung nasa tiyan ko palang sya gustong gusto ko na makaraos kasi 2cm palang pumutok na panubigan ko, kapag di daw nag open cervix ko ics na nila ako pero thanks God nakayanan kong inormal delivery si baby. pero nung nalaman ko na may sakit sya, naiyak nalang ako at gusto ko syang ibalik sa tyan ko para mas maalagaan. Day 1 of life ni baby halo halo na emotions ko, masaya at worried sa magiging future nya. Day 2 of life, sinabi sakin ng doktor na may naririning daw silang "murmur" indication daw yun na may butas puso nya, sobra talaga iniyak ko nun pero naging denial pa ako kasi wala pa namang tests na ginagawa sa kanya. 3 days old palang si baby na x-ray na sya, january 25, 2020 ang x-ray tapos nakuha namin results feb. 18, 2020 (puro pa kami follow up ng results nyan ah) nakita sa x-ray may retrocardiac pneumonia sya, ang nakakainis nun sa sobrang tagal ng resulta sa ospital na yun di tuloy namin nabigyan agad si baby ng gamot. 7 days palang si baby nagpagala-gala na kami sa taft dahil walang 2d echo dun sa public hospital na pinaanakan ko, sa tapat ng pgh kami nakakita ng pwedeng 2d echo, at nung naschedule na kami at tinignan na heart ni baby nakita nga na may butas puso nya (ventricular septal defect with pulmonary stenosis) yan diagnosis sa kanya, ibig sahibin may butas nga puso ni baby at may masikip na ugat sa kanya. parang saglit akong namatay, parang huminto yung oras, tumulo nalang bigla luha ko.. di ko akalain na sa baby ko pa mangyayari... hanggang ngayon lumalaban parin kami sa sakit ni baby, kung kailan sya ooperahan di pa namin alam.. Ipagpray nyo po ang pinakamamahal ko. Maraming salamat po sa nagpaabot ng tulong. LYANNE JOEL A. VILLAMOR January 22, 2020 HEART WARRIOR

64 Replies

Ako rin momsh nung 2018 yung baby boy ko may heart prob din TGA naoperahan pa siya sa phil heart center .. Pero 2mos lang namin siya nakasama πŸ˜” ngayun po im 7 mos pregnant baby girl 😊. pray lang tayo para sa baby mo magiging okay din siya πŸ™

Salamat mommy! 😊

Hi mommy sorry to hear that, pro nag pa CAS ka po ba nung nasa tiyan mo palang si baby? pra sana nalaman earlier na may sakit po si baby. Anyways sending little help to your account.. Pasensya na po maliit lang kya ko ibigay.

Thank you mommy sa tulong, hindi po inadvice yung cas nung buntis pako sa public hospital lang po kasi ako nagpapacheck up nun.. at nung 6 months nga po yung tyan ko sinabi ko sa ob na gusto ko malaman gender ng baby ko, sabi lang po sakin na mas maganda raw po kung 8 months na para rin daw di po sayang...

I feel you momshie. My son had congenital heart diseases din but the problem is enlargement of heart lang sa kanya. God take him after 5days . But im happy for you. Kasi pede pa p Maoperahan baby mo.. :)

Mommy pagpray nyo po baby ko

oh sorry to hear momsh. I feel your tears on your heart po. Wag mawalan ng pag asa po. We will include your baby on our prayers. Laban lng po, sna gumaling si babyπŸ™πŸ™πŸ™ in jesus name. AMEN

VIP Member

Parang kinurot yung puso ko sa kwento mo mamsh ,LAKASAN NYO PO LOOB NYO TANDAAN NYO MAHAL NA MAHAL KAYO NG DIYOS KAHIT ANONG MANGYARE MANALIG LANG PO KAYO SA KANYA😊😍😍

VIP Member

Pray tayo mamsh, walang imposible kay God. I hope maging okay si baby at malampasan niya ang kalagayan niya. Get well baby, my prayers for you. Be strong too mamshie 😘😘😘

Will pray for you and your baby sis.. Just have faith po nakikinig po c God sa mga dalangin natin and mukhang fighter dn c baby.. makakayanan nyo dn po yan.. πŸ™πŸ™πŸ™

VIP Member

Lord god please heal the baby as soon as posibleπŸ™πŸ™ magpakatatag kalng momsh tiwala lng po ky God at manalig ka dahil wla pong impossible ky God.

Baby, isasama kita sa prayers ko.. God will guide you baby and mommy! Laban lang po.. ask ko lang po, hindi po ba nakita sa CAS yung butas ni baby sa heart?

Hindi po ako nagpa cas nun mommy

VIP Member

Ang sad naman,kawawa c baby...praying for your fast recovery baby.. πŸ™πŸ™πŸ™ sayo den po momsh magpakatatag po kayo and pray always..πŸ™πŸ™

Trending na Tanong