Kinukuha ng taga barangay(center) yung philhealth MDR
Di ako sa center nagpapacheck up, simula 5th week up until now na 22 weeks ako sa ob ako. I decided to be discreet bout my pregnancy and announced it nung 5 months na ko. Nag message yung taga barangay saken getting my info and updating me bout center’s schedule. Pero wala naman akong balak magpunta kase kumpleto naman ako ng vitamins na galing ob so di ko na need vitamins ibibigay ng taga center, but I still gave my info cus I don’t wanna be rude by saying di ako interesado magpunta ng center. May work din kase ako kaya di flexible time ko. Nag tethank u lang ako politely kase I appreciate their effort naman. Kaso nagmessage sila tonight asking if may philhealth ako and pinapasend MDR ko. Tinanong ko para saan sabi nya mag access daw sila ng philhealth at iencode kase nila sa munisipyo. Baket need nila makuha philhealth ko if di naman ako nagpupunta ng center? Never ako nabigyan ng kahit ano bat papakealamanan yung philhealth ko? Winoworry ko kase baka magalaw or mabawasan yung possible na kaltas ng philhealth pag nanganak nako. Sino po may alam bat nila kinukuha philhealth mdr ko? Bat nila aaccess at encode sa munisipyo? Baka may naka experienced na rin po neto. Salamat