December 12 ako nag labour December 13 sya lumabas umabot ako ng 10 cm pero hindj sya bumaba kahit dinaganan na ung tiyan ko sobrang sakit ung pinipilit nilang ibaba ung baby until nagdrodrop na ung heartbeat kaya emergency CS. Paglabas nya hindi na sya makahinga ng maayos at hindi umiiyak sa tagal nya sa tiyan ko at sa stress ng pag ire ko. Pero Thank God hindi nya kami pinabayaan sinave nya buhay ko at ng baby ko. Nakauwi narin kami. Worth it lahat ng pain mula sa normal delivery turns out to CS. Kaya saludo ako sa mga mommys grabe pala ang hirap na pagdadaanan mo sa panganganak. Basta lakasan mo lang loob mo at magdasal at labanan yung sakit na nararamdaman. God Blessed you all.
Meet my Baby boy : Zion Ross
3.1kilograms 4.5cm