Ang hirap magpanggap na ok ang lahat ?

Dear hubby, Mahal, naalala mo pa ba yung bago pa lang tayo halos gawin mo akong reyna? Yung tipong mga bagay na dapat ako gumagawa eh ginagawa mo. Pag may nararamdaman ako, di ko na kailangan magsabi kasi kikilos kana agad. Lagi mo akong sinusundo at hinahatid kahit saan ako magpunta. Nag iisa ka lang lalaki sa pamilya mo kaya nangangarap ka na sana magkaanak na tayo at eto na nga after 2 long years na pag aantay ng anak natin bakit unti unti kang nagbabago? Akala ko magiging mas responsable ka kasi dinadala ko na ang pangarap mong anak. Naalala mo naman siguro yung mga pinayo sakin ng doktor na wag ako masyado magpagod pero bakit di mo ako matulungan? Simpleng gawaing bahay sakin mo lahat iaasa kahit hirap na ako parang wala ka pa din nakikita basta nakahiga ka lang? Di ko magawang mamalengke dahil sa sakit ng likod ko ang wala kapa din kusa di bale na magutom kami basta di ka lang kikilos. Mga pangangailangan sa pagbubuntis ko lagi mo sinusumbat lalo kung mahal. Nung minsan nagkaproblema ako at kailangan mo akong itakbo sa ospital nagawa mo pang maligo, magsipilyo at mag ayos at nung nagreklamo na ako na di ko na kaya maghintay ng matagal kasi masakit na pinagdabugan mo at di kana sumama kaya ang ginawa ko pumunta ako sa ospital ng mag isa. Habang nandun ako tinanong ako ng doktor kung may kasama ba ako kasi may mga lalakarin na papel para nakaupo lang ako pero sinabi ko na lang na papunta kapa lang at ako na nag asikaso. Na admit ako sa ospital ng ako mag isa at nung pinapunta kita para may umalalay sa akin galit kpa. Mahal, wala na ba akong halaga sayo? Kami ng magiging anak mo?

83 Replies

VIP Member

This is so sad. Naiiyak ako habang binabasa haha. Pero mommy kausapin mo siya kung bakit biglang ganon ang trato niya sayo. For sure may dahilan yan. Sorry mommy pero napakagago niyang asawa mo. Hahayaan kang pumunta ng mag isa sa hospital?

Hala! Bat bigla biglang naging ganon yung trato niya sayo? Siguro po kung kaya mo na, magusap po kayo. Tanungin mo siya baka stressed din po siya. Sana magkaayos pa kayo at maging maayos ang paguusap niyo. God bless!

This is so sad.. Feel ko sis yung sakit habang binabasa ko to.. Gaya sa comment na nabasa ko, kelangan mo ng space..punta ka muna sa family mo, iwan mo muna asawa mo..baka mastress ka pa nyan at mapano pa si baby..

VIP Member

😔😔. .nkakalungkot pong mabasa to. .sana mgbago pa hubby mo. .pakatatag lng po pra kay baby...xmpre tayong mga babae gusto buo ang pamilya. Hanggat kya mgtitiis. . Wish q lng po sna maging ok kayo.☺

VIP Member

Kausapin mo siya mamsh. Tanong mo bat siya ganyan and kung wala pa rin bat di kana lang po umuwi sa pamilya mo. Minsan ang paglalayo ng mag asawa ay kailangan para marealize ang pagkakamali natin.

VIP Member

Gosh ansakit sa puso. Bakit biglang nagbago si hubby? Cguro mamsh sa family mo muna ikaw magstay pra maalalayan ka nila. Lalo na at maselan ka magbuntis. Bigyan mo si hubby Ng lesson.

Naiyak ako sis.,damang dama ko ang sakit habang nag babasa.,buti d ganito asawa ko.,pray ka lng sis at kung kaya mo uwi ka muna sa pamilya mo.,wag ka mag tiis jan isipin mo baby mo

Nalulungkot tuloy ako momsh nung nabasa ko to which is ayaw ko to pagdaanan at kaht sinong babaeng totoong ngmamahal sa mga asawa nila. Palakas ka mommy pra sa baby mo yan ha.

Awww. :( I feel you momshie be strong nalang po may mga times po kasi na si hubby niyo minsan wala sa mood intindihin nalang po natin baka pagod sa work. or bahay po ninyo

hala bat ganun. biglang nagbago? ang sakit naman para sa isang babae un. haaay... sana marealize nia lahat ng ginagawa nia sau ngaun. 😑😑 hndi kaya my something? :(

Trending na Tanong