Blythed Ovum

D&C in 9 weeks of pregnancy. Nakakalungkot pero ganon talaga siguro. 4 weeks una ko nalaman na buntis ako then umabot ng 6 weeks puro gestational sac palang umabot na ng 8 weeks ganun padin naka tatlong TVS nako naka daming duphaston at folic still walang heartbeat na narinig at baby na nagpakita. Well, need to move on. Salamat sa app na to. Marami ako natutunan dito. Para ko na syang support group. Nakakainggit lang ung iba na nakikita ko nagtuloy tuloy ung mga baby's nila. Hays.. Anyways meron po ba dito may alam kung magkano magpa histopath sa MCU? And pwede ko ba ifile ung miscarriage ko sa SSS kahit di ako nakapag notify kasi biglaan lang naman.. Hindi kaya madeny? Thanks po.

Blythed Ovum
39 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

just pray momie at wag mawalan ng pag asa, naranasan kona yan before sobra sakit pero di ako nawalan ng faith kay papa G. tiwala lang bibigay din nia ung para sayo.regarding sa sss pede mo sya ifile po pasa kapo ng mat 1 tska ung mat 2 kasama lahat ng records mo sa hospital tska ung biopsy po nung nakuha na mga blood nung naraspa ka.

Magbasa pa