ABORTION OR NOT ABORTION?
Dapat bang magpa abort ka kung hindi pa kayo ready ng Partner mo? Or dapat Panindigan nyo kung anong ginawa nyo? Let me hear your thoughts.

17 ako ng mabuntis ako sa boyfriend ko dati. Nalaman nya na nabuntis nya ko. Nung nalaman nya na buntis ako iniwan nya ko. Nag open ako nun sa kaibigan ko sabi nya sakin na pamilya ko lang ang makakatulong sakin. Nagdadalawang isip ako kung pano ko sasabihin. Pero nasabi ko din nung una sobra yung galit nila, yung father ko gusto akong saktan pero pinagtanggol ako ng nanay ko at sinabing kung sasaktan ba ako ng tatay ko mawawala ba yung bata hindi naman diba. Sinabihan ako ng nanay ko na tutulungan nila ako dahil alam nilang nagkamali ako pero sa susunod na maulit pa baka daw ikamatay na nila. Ngayon alam ko na na pamilya mo lang ang masasandalan mo. Isa nakong mommy pero hindi matatapos yung pangarap ko para sa mga magulang ko lalo na at may inspiration nako.
Magbasa pa

