Fairy godmother...
Dalawa lang kami ng partner ko. Di namin afford kumuha ng katulong. May baby na kami at EBF dahil di namin afford ang formula. Mas ok naman din daw ang gatas ng ina. Nawalan ako ng trabaho sbi ng partner ko magfocus na lang ako sa pag-aalaga ng baby. Ang sarap sana pakinggan. Sapat naman mga supply, di naman ako nagugutuman. Naiintindihan ko naman kailangan magtipid pero minsan diko maiwasan ang... ...malungkot, mainis... ...dahil sa mga mali kong desisyon na kailangan panindigan... ...tuwing makikita kong walang kaayusan ang bahay at ako lang talaga makakapag-ayos ...tuwing maaamoy ko ang aircon na amoy lumang bus ...tuwing makikita ko ang pink molds sa tile ng banyo ...tuwing makikita ko ang stains sa lababo ng kusina ...tuwing kailangan kong maglampaso ng sahig dahil hindi naman sya nagkukusa ...tuwing kailangan kong ayusin, linisin ang bahay dahil di rin nya nagagampanan ...tuwing maiiisip kong napakatagal na panahon pa para maging maayos ang tahanan na ito ...tuwing nanghihina ako at tila wala nang lakas dahil sa pagbibreastfeed ar ang tanging magagawa ko lang ay matulog ...tuwing naiisip kong hindi ko kakayanin itaguyod mag-isa ang baby at kailangan nya ang isang ama Sana mayroon na lang akong fairy godmother.. isang Inang Encantadia... isang kumpas nya lang maayos na ang lahat..