Sobrang liit po ng tyan ko parang walang baby pero mag 5 months na po ako

D ko po nararamdaman si baby nasipa or what wala din pong matigas or bukol akong maramdaman na sabi nila meron daw dapat, natatakot po ako updated naman po ako sa check up, at ultrasound ko na po ulit this coming 14 sabi nila maliit lang daw ako mag buntis pero natatakot ako kase parang d normal kagaya sa iba, last check up ko mahina heartbeat nya pero sabi normal lang kase maliit sya.

Sobrang liit po ng tyan ko parang walang baby pero mag 5 months na po ako
2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hi! Every pregnancy is unique in its own way. May mga tao talagang hindi halata agad meron din naman halata na. Basta sabi ng doctor mo na okay lang baby mo, dun ka maniwala 😊 wag mo icompare tiyan mo sa iba kasi lahat tayo iba iba ng katawan.

ano sabi ng OB mo ba? ako kasi maliit lang magbuntis. As long as tama normal,healthy at safe si baby sa loob ok kang yan. Malalaman mo yan kapag nagpa ultrasound ka