8th weeks preggy
Currently taking Duphaston and naka bed rest kasi nag spotting ako. Nag isoxilan din for 1 week. Ano kayang pwede kong gawin kasi pag matagal ako naka upo or napapalakad ako or napapasigaw, sumasakit yung puson ko. Tinext ko yung ob ko, sabi niya, wag daw ako ma-stress. Sa thursday pa ff up check up ko.

Nung 1st trimester ko po nagbleed ako once then mga sumunod spotting nalang na brown. Pinag bedrest lang po ako ng OB ko ng 2 weeks hanggang sa naging 1 month and 1wk ang tinagal ng bedrest ko. Ganyan din po ako noon, hindi ko malakasan pagsasalita ko or pag nagsalita ako ng matagal nananakit agad puson ko. So better na magrelax lang po. Wag magtatayo masyado lalo at ang sabi ni OB is bedrest :) pwede niyo din po ask OB niyo if strict bedrest ba need mo or pwede ka padin naman tumayo like pag magwiwi ka or maliligo
Magbasa pa
Got a bun in the oven