Ano nga ga yung Contractions?

Currently 38w2d LMP ako ngayon, pero wala talaga ako idea kung ano ba yung sinasabi nilang contractions. πŸ˜… Tinanong ako sa check up ko kahapon kung naninigas na daw tiyan ko. Sabi ko eh hindi po ako sure, kasi nga pag biglang naninigas tiyan ko eh feeling ko talaga movement naman yun ni Baby. Kaya di ko sure kung yun na ba yung contractions. Sabi ko na lang eh, basta nasakit na po yung ibaba ko. πŸ˜… Sino dito ganun din pakiramdam? Please enlighten me din po mga sis sa feeling ng contractions. πŸ˜…βœŒπŸ»

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ang paninigas ng tiyan ay minsan mistakenly as galaw ni baby but uterus mo yun nag re-ready for labor. Ang galaw ni baby is literal na galaw, yung contractions is that parang naninikip ang puson mo, at kapag hahawakan mo is nanigas siya. Sabi mi nga biglang nanigas tiyan mo, so alam mo kong ano ang paninigas, yan po ang tinatawag na braxton hicks kong di naman consistent ang paninigas. sa first baby ko akala ko din non is galaw ni baby kapag nanigas ang tiyan ko, but actually that is braxton hicks na pala, kaya nga nag preterm delivery ako last time dahil hirap ko din intindihan kong ano ba talaga nararamdaman ko. Another sign if contraction na siya, may kasamang cramping, parang menstrual period, kapag nanigas tiyan mo. Wag mo itulad ang galaw ni baby sa paninigas ng tiyan dahil baka ikaw din yung mahihirapan. Galaw ni baby si literal na galaw at kapag cephalic ang position nasa taas ang galaw ng sipa, kapag contraction naman at cephalic position si baby nasa puson mo po, sa upper part ng vulva mo.

Magbasa pa
2y ago

Contraction na po yan hehehe

Same tayo mhie πŸ˜† di ko alam yung feeling na contractions kasi puro tigas ng tyan lang nararamdaman ko pag kaka alam ko basta walang kasamang pain yung paninigas ng tyan braxton hicks daw yun . So iniisip ko nalang na braxton hicks lang to since wala naman kasamang pain. πŸ˜… antay nalang ako na may sumakit sakin or pumutok panubigan ko. 38 weeks na ako sana makaraos na tayo goodluck !

Magbasa pa
2y ago

yun nga sis eh. hirap iexplain nung feeling. gusto ko kasi sanang imonitor ang contractions ko kaso di ko sure kung yun na ba yung nararamdaman ko. πŸ˜… Malapit na nga tayo makaraos sis, ingat ingat tayo at sana maging okay mga Baby natin pag labas. God bless. ☺️

para pong natatae ka ung tipong gusto na lumabas ng poop mo nasakit balakang mo tapos mejo natigas ung tyan bukod po sa pag galaw ng baby. pero ang difference nya is pamaya maya ung sakit at hindi ka naman talaga natatae

Magbasa pa

Contractions kapag ka sasaket siya every 5 mins ganon 4,3, gang maging 2. Masaket puson and balakang. Kapag nagtuloy tuloy saket contractions na yon. Monitor mo pagsaket ng tummy, puson, or balakang mo.

VIP Member

Ang feeling ng contractions mi para kang may dysmenorrhea pero mas matindi sakit. Parang magkaka mens. Masakit puson papunta sa likod. Yung feeling na para kang madudumi. kasabay ng paninigas ng tyan.

Pag nakaramdam na po kayo ng ibang klaseng pain sa tyan, hindi po siya gaya ng braxton hicks. Orasan niyo din po yung interval ng pain, pag less than 5 minutes interval. Active labor na po

my OB before told me, you will know it once you feel it. so pag hndi mo, alam definitely hndi mo pa nararamdaman. ako kasi mismong manganganak nko nagcontraction.

contraction means gaano katagal naninigas si baby mo sa tummy mo, if you observe po

pag di ka na nakakangiti at nakakatawa tas napapaluhod ka sa sakit🀣

pls research din po. paninigas ng puson na masakit.

2y ago

actually sis, nagreresearch or nagbabasa basa din po ako. ☺️ medyo di ko lang talaga siya maintindihan kung yun na ba yung nararamdaman ko. nagtatanong po ako dito kasi gusto ko po sana yung simplest explanation po ng mga experienced moms natin.