CS Moms

Hi CS Moms out there..tanong ko lang, kapag po ba CSD gising din po ba kayo nun? I am just curious kasi base sa mga nababasa ko dito parang ang hirap ma CS..pano po ba yung procedure during delivery? Share nyo naman po..hehe thanks.

38 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hi mi.. Cs ir. Gising po, nangangatog aq sa lamig dat time😅 aun tinurukan aq ng anesthesia, pahirapan ung pagturok kc dpat nakapamaluktot ka. Medyo mahirap kc malaki pa tyan non hehe. May plastic na nkaharang kaya blurred ung nakikita ko. Grabe ang kaba,kc kung iimajinin mo parang kinakalkal nla tyan mo😑, maririnig mo pa usapan ng mga doktor, narinig ko nga nka cordcoil pla c baby kaya pla hindi na umakyat cm ko, hanggang 6cm lng, at ang laki daw nya😅ang inaantay ko nlang dat tym eh ung marinig ko ung iyak ng baby ko. Pag narinig mo ung iyak ay josko dai mapapa thank u lord ka tlga. Grabe ang saya sa pakiramdam, na maiiyak ka sa sobrang saya mi😭🤗after kong marinig ung iyak hindi ko na alam nangyare, as in😅 nkatulog na cguru, pag gising ko malapit na sakin c baby, inaaninag ko na ung mukha, dun muna sya nilagay sa may ilaw. Tpos nung nkitang gising nko tinabi na si baby sakin at dinala na sa ward. Haay grabe, sa wakas nkaraos din. Sarap maging nanay❤️

Magbasa pa

in my experience, tinurukan muna ako ng pampatulog then yung anesthesia. tulog lang ako the whole time hahaha pero parang ginigising ata nila ko non to hold my baby kaso di ako magising. naririnig ko lang sila pero yung mata ko ayaw dumilat. sabi ng isang kasama nila, wag na daw ako gisingin kasi natutulog daw ako 😂 after a while, nagising na rin ako. di ko maramdaman yung binti ko as in. tinatry ko igalaw pero di ko talaga kaya. di pa ko agad nailipat sa ward kase may mga tinurok turok pa sila sakin na sobrang nakakahilo kaya nasuka ako. okay lang naman daw kasi nakakasuka daw talaga yon. madaling araw na ata ako nalipat sa ward. 8pm ako nanganak tas madaling araw ako nadala hahaha tapos yon, maya maya pinahawak na nila baby ko sakin. super sarap sa feeling 🥰 kahit masakit yung tahi, oks lang ☺️ worth it naman ❤️

Magbasa pa

super nerbyos😅 kasi first time ko po ma admit, tas surgery agad?. sinabi ko po yan sa anesthesiologist ko na super bait.. kaya sabi na sasakyan nia nlang ako pang patulog kapag namanhid nako.. at naka tulog na nga po ako.. ginising nlang ako nong nailabas na baby ko at nadinig ko pa sabi ng ob na kamukha daw ng daddy🙄🤣❤️. tas naka tulog uli ako.. bangag pa.. kahit kina ka usap na ako ng pedia, pinatong na din nila baby ko sakin para maka dede😍 tas ako naka tulog naman😅

Magbasa pa
VIP Member

im awake buong procedure. from induction of anesthesia hanggang closure ng skin. ramdam ko na they are opening my tummy pero walang pain. nag chills ako but that's normal sobrang bait ng anesthesiologist ko dahil dinagdagan nya ng cover ung upper body ko para di maxado malamig. i heard my baby cried for the firts time. i remember my OB saying how much my baby boy resembles my hubby. nakatulog lang ako when i wast transfered to my room to rest.

Magbasa pa

gising ako nung CS ako, epidural ata yung akin, tinurukan ng anesthesia sa spine. half ng body ko from baba ng dibdib hanggang paa wala ako maramdaman. tapos yung kamay mo nakatali ng belt. parang more or less 5 mins ata hiniwa yung tummy/puson ko, after baby's out nilinisan si baby at ipinakita sakin si baby tapos tinurukan na ako pampatulog, 1 hour din ako tinahi at tulog nun then recovery room na.

Magbasa pa

I'm a CS mom po mother of two.. Sa 1st baby ko po gising ako pero nung lumabas na si baby ayun dun ako napapikit at nakatulog na hanggang pag gising ko nasa room ko na ako.. sa 2nd nman gising na gising ako hanggang matapos operation at hanggang sa pag hatid sakin sa room.. Sa 1st ko matalab yung anesthesia pero sa 2nd grabe ung pain parang 2hrs lng nag tagal ung tinurok na anesthesia

Magbasa pa

Twice po kong na cs for my 2 babies. Ang 2nd cs ko just happened last saturday. Yung 1st cs ko is tulog ako kasi talagang takot na takot ako pero sa 2nd gising ako pero iniidlip idlip ko na lang para feeling ko mabilis lang yung oras. Okay lang yung gising ka, may harang naman po kaya di mo makikita although mejo ma fefeel mo kung ano yung ginagawa mo sayo pero di naman masakit.

Magbasa pa
4y ago

Low vertical cut po

Based on my exp, nakatulog ako dahil na din sguro sa tinurok nila sa akin at antok dahil madaling araw ako nanganak non. Hindi naman mahirap amg CS, mahirap kung wala po kayo kasamang mag-aalaga kay baby at sayo. Kahit naman sa normal, need din nila ng assist hndi nga lang katulad sa CS na medyo matagal ang healing process

Magbasa pa
VIP Member

wide awake ako the entire procedure. even nung inaadminister ang spinal anesthesia, was awake. i did not feel any pain from beginning until the end. was able to hear my baby cry. the team took photos pa nga. it was a very blissful experience until recovery. magaling ang team na naghandle sa CSD ko. 😉

Magbasa pa

Ako tulog tapos ginising nung nailabas na si baby at pipicturan daw kami 😅 tapos ayun back to tulog ulit pag gising ko nasa recovery room na ko at hinahanap ko sa nurse baby ko 😊 hindi pa ko inakyat sa room ko kasi need ko daw muna maigalaw mga legs and paa ko halos 5hrs ako sa recovery room 😅