Hello po mommies, mag ask sana kami ng opinion ng iba about sa pedia

May concern po ako sa pedia ni baby. Initially po kasi around 11k po yung singil ng new born vaccines samin per mos, di naman po kaya ng budget so dinala namin sa center, may consent naman ni doc. Ngaun po nilalagnat si baby and nag ask ako ng help ni doc pero seen lang, 2nd msg ko, ang sinagot po sakin is kaya daw nilagnat kasi sa center ko pinabakunahan, and bago dw sya mag answer magbook po muna ako sa telemed, may appointment po sana ako with this doc on Sunday para sa rota ni baby pero prang nag hehesitate nako kasi prang aalagaan nya lang kami kung may money kami. Gusto ko po sana ng pedia na forever na, hanggang adulthood ni baby pero d ko masyado na appreciate yung response samin or baka mali lang din ako, Let me know po if I'm being unfair lang din po or of its time to find another pedia and if may ma rerecommend po sila na pedia, super grateful po kami, location namin is sanjuan city metro manila. #advicepls #pleasehelp #firsttimemom #firstbaby #1sttimemom

Hello po mommies, mag ask sana kami ng opinion ng iba about sa pedia
80 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hello po mamsh, natural lang po yung lalagnatin si baby pag magpa vaccine kase effect yun ng vaccine kahit nga tayo nung nagpa vaccine tayo nilagnat tayo pano pa kaya sa babies, wag po kayo masyado matakot kase effect lang po nung vaccine yan at mawawala rin yan 1-2 days. kung hindi kaya financially mamsh wag ipilit. okay naman po yung mga libre na vaccine sa center. mas makakatipid pa po kayo. nag ask po ako sa mama ko nung ako daw po yung maliit tlgang sa center po kami ponapavaccine'n. yung wala sa center yun nalang sguro yung papavaccine sa pedia mamsh. regarding naman po sa pedia niyo, ganyan po tlga sila. kelangan munang consultation at magbayad bago nila i check si baby. kung gusto niyo po ng libre, sa center nalang po kayo mag pacheck up kase ako sa center din ako nagpapacheck up pag nagkakasakit anak ko. i am a professional teacher po pero okay naman kung sa center, doctor din naman ang titingin sa kanya dun. pero kung financially stable kayo, pwede kang humanap ng pedia na mas matitingnan si baby

Magbasa pa