Hello po mommies, mag ask sana kami ng opinion ng iba about sa pedia
May concern po ako sa pedia ni baby. Initially po kasi around 11k po yung singil ng new born vaccines samin per mos, di naman po kaya ng budget so dinala namin sa center, may consent naman ni doc. Ngaun po nilalagnat si baby and nag ask ako ng help ni doc pero seen lang, 2nd msg ko, ang sinagot po sakin is kaya daw nilagnat kasi sa center ko pinabakunahan, and bago dw sya mag answer magbook po muna ako sa telemed, may appointment po sana ako with this doc on Sunday para sa rota ni baby pero prang nag hehesitate nako kasi prang aalagaan nya lang kami kung may money kami. Gusto ko po sana ng pedia na forever na, hanggang adulthood ni baby pero d ko masyado na appreciate yung response samin or baka mali lang din ako, Let me know po if I'm being unfair lang din po or of its time to find another pedia and if may ma rerecommend po sila na pedia, super grateful po kami, location namin is sanjuan city metro manila. #advicepls #pleasehelp #firsttimemom #firstbaby #1sttimemom
sakin balak q din ipa.center yung bakuna.. kaso nahiya din aq sa pedia q.. so nag.first check up kami ng baby q sa pedia.. dun pinaliwanag samin about sa vaccine sa health center at yung mga bagong vaccine ng alagang pedia.. sa oct. pa bale yung 1st vaccine ng baby q.. ang sabi ng doc. 6in1 n yung 1st vaccine ni baby at yung vaccine na yun ang kaibahan daw di na lalagnatin c baby at di na din mamamaga yung parteng naturukan.. 5k din po un.. so nag.ask aq sa husband q.. mas prefer din nia yung ganun kc mas mahirap mag.alaga ng baby na may sakit lalo pag 1st time mom at dad tapos wala pang tulong mula sa parents.. as in sariling sikap mag.asawa.. kaya kahit mahal para din namn sa health ni baby..
Magbasa paFind another Pedia..May mga pedia talaga na EWAN. normal lang 37 degree centigrade..at normal response po ng katawan natin ang fever kapag may napasok sa katawan natin na hindi parte ng system.. Hindi po ibig sabihin na porket sa Center kinuha ang bakuna..hindi safe.. alalahanin nyo sa private Hospital/clinic..priority nila pera kasi business yun..Walang halos pinagkaiba ang mga vaccines na binibigay sa public at private.. yun nga lang syempre mas afford ng private ang mga vaccines na halos complete na sa iisang shot lang.. like rota vaccines di available sa public yan at di kasama sa vaccination card ng mga baby..
Magbasa paYung Sinabi ng pedia na lalagnatin Dahil sa center is Totoo because yung vaccine sa center Mas mura talaga compared sa vaccine na inooffer sa private clinics. Kumbaga generic. Yan madalas ang difference kung Bakit nilalagnat pag sa center and hindi nilalagnat pag sa private clinics. I also believe that the doctor asking for a fee is reasonable. Syempre you’re taking up her time. Normalize din na professional yung doctor. Kaya bayaran din natin yung time and expert advise nila. Pwede naman Ikaw magpalit ng pedia kung hindi kayo jive. Madami naman pedia and meron din sasagot sayo without asking for professional fee.
Magbasa panormal lng na lagnatin ang baby after vaccine mi pa inumin nyu lng po nang gamot sa lagnat pd din lagyan nang cool fever sa noo para bumaba ang lagnat basta bantayan nyu po yung temp nya after 1 to 2 days mawawala narin yung lagnat, mag switch kna po nang pedia yung genuine ang care for baby not just for money. mismo yung ob ko nga before alam ko caring talaga cia sa patients nya kasi cia mismo nag recommend na e avail ko yung free bakuna sa center para sa buntis at ganun din si pedia ni baby sa center kme napapa bakuna.change napo kayo nang pediatrician mi yung totoong concern sa health ni baby.
Magbasa pagrabe naman yan mamsh sa mahal saka parang pag wala money wala din care..nakaka sad..sa pedia ni L.O ko pinapili kami..kay doc ba or sa health center..xempre kung ano din afford dun din kami..at kung wala sa center kay doc kami..saka mamsh may vaccine talaga na lalagnatin ang baby..kaya after bakuna sasabihan ka naman lagi na baka lagnatin painumin ng paracetamol..ganun lang..ndi naman porket sa health center lang nag pa vaccine lalagnatin agad..kahit kay doc ka magpa vaccine ganun din result nun..sana makahanap ka mamsh ng pedia ni baby na aalagaan sya ndi dahil sa money.. ❤
Magbasa paung pedia ng anak ko sya pa ang nagsabi na may mga free vaccine sa health center. Sinabi pa nya samin ang mahirap lang sa mga health center inuuna yung mga kakilala.. if ginawa daw samin yun wag daw kami papatinag. Nilagnat din baby ko nun after ng maturukan pero ginuide kami ng pedia nya ng free.. no wonder ang dami nyang patients kasi very caring and genuine love nya sa mga kids. Find another pedia mommy. Dapat ung mga pedia ng mga kids natin is genuine talaga ung care sa mga patients nila, hindi ung nakadepende ang service nila sa kung magkano ang kaya ng budget.
Magbasa pavaccine sa health center is okay, iba lang brand kinacarry nila but still works, na try namin yan sa first born ko twice, since at that time kasi kilala namin yung nurse naka assign sa center, no problem naman sa pedia namin, sa amin po 6 in 1 plus rota 7500 po hinge ni pedia, tapos if we have immediate concerns we communicate via viber, although minsan she would ask us to book telemed esp. pag may bagong concern na unrelated sa previous check up or need talaga mag usap, lipat na po kayo ibang pedia. mahirap na yan pag ganyan, sakit sa loob na sakit sa bulsa pa
Magbasa paHanap ka ibang pedia mamsh, parang walang pake yang pedia ni baby mo. Pera pera lang ang ganyang pedia hirap ipagkatiwala kalusugan ni baby pag ganyan siya parang di malapitan incase of emergency need pa mag sched ng teleconsult para lang sagutin ang tanong 😏 Yung pedia ng baby ko siya mismo nagsasabe na yung ibang vaccine ni baby na available sa center dun nalang ipabakuna yung mga di lang avail sa center ang ipa vax namin sakanya. And everytime may concern kay baby lagi siyang nagrerespond sa viber kahit months na kami di nakakabalik sakanya.
Magbasa paMukang pera yang Pedia nio sis! Sorry to say, kung tlagang concern yan khit txt sagutin ka man lang,pero need pa apointment! sa HC ok ang bakuna ng bata, pag nilagnat ibig sbhin effective yun bakuna. tska ssbhin nman sau sa HC kung llgnatin or hindi.. yun 2 anak ko since new born after sa hospital HC na tlaga bakuna nila until 6 yrs old n pnganay ko and 12 months naman c bunso ko.. lhat HC bakuna nila and OK nman.. kung ako sau hanap k nlng pedia mo sis kaka stress yang mukang pera na pedia.. sana health muna ni bby isipin nia not the money..
Magbasa paThere are a lot of pedias na sila pa mismo nag eencourage sa parents to avail the vaccines available sa center. Napaka weird na isinisi nya sa "vaccine kasi sa center" kaya nilagnat well in fact alam naman natin na may mga vaccine naman talaga na may side effect na lagnat. Even sa adults nga. Also ang dali lang naman sagutin ng tanong mo if pwede ba maligo si baby, pero sorry ha, parang mukha pera si pedia. Wala syang genuine concern sa bata. Hanap ka na lang ibang pedia mi. Yung may care talaga sa baby mo genuinely.
Magbasa pa