Hello po mommies, mag ask sana kami ng opinion ng iba about sa pedia

May concern po ako sa pedia ni baby. Initially po kasi around 11k po yung singil ng new born vaccines samin per mos, di naman po kaya ng budget so dinala namin sa center, may consent naman ni doc. Ngaun po nilalagnat si baby and nag ask ako ng help ni doc pero seen lang, 2nd msg ko, ang sinagot po sakin is kaya daw nilagnat kasi sa center ko pinabakunahan, and bago dw sya mag answer magbook po muna ako sa telemed, may appointment po sana ako with this doc on Sunday para sa rota ni baby pero prang nag hehesitate nako kasi prang aalagaan nya lang kami kung may money kami. Gusto ko po sana ng pedia na forever na, hanggang adulthood ni baby pero d ko masyado na appreciate yung response samin or baka mali lang din ako, Let me know po if I'm being unfair lang din po or of its time to find another pedia and if may ma rerecommend po sila na pedia, super grateful po kami, location namin is sanjuan city metro manila. #advicepls #pleasehelp #firsttimemom #firstbaby #1sttimemom

Hello po mommies, mag ask sana kami ng opinion ng iba about sa pedia
80 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hindi reliable yang pedia mo. Money talks lang. Money matters. Panget ng sistema nya. Kakahiya naman sa oath na sinumpaan nila kung puro pera lang pala. Better look for other pedia. Karapatan mo naman yan as parent na magpalit lalo if ganyan ang treatment. Regarding sa mga vaccine naman na wala sa center. Usually pwede ka makipag usap sa knila kasi karamihan sa kanila e meron naman contact sa mga med rep then they'll order for you. Sa panganay ko dati private pedia talga kami pero nung na feel ko na lagi syang nagmamadali bawat consultation and vaccine namin then may nag refer samin sa center, nag try kami don then nagustuhan naman namin yung service samin ng center hanggang sa dun na namin kinukuha lahat ng vaccine ng panganay namin nagbabayad nalang kami. So far so good. 3y.o na ang panganay ko ngayon. Then this November due ko sa 2nd namin sa center ko nadn sya balak pabakunahan ng lahat lahat.

Magbasa pa