Hello po mommies, mag ask sana kami ng opinion ng iba about sa pedia

May concern po ako sa pedia ni baby. Initially po kasi around 11k po yung singil ng new born vaccines samin per mos, di naman po kaya ng budget so dinala namin sa center, may consent naman ni doc. Ngaun po nilalagnat si baby and nag ask ako ng help ni doc pero seen lang, 2nd msg ko, ang sinagot po sakin is kaya daw nilagnat kasi sa center ko pinabakunahan, and bago dw sya mag answer magbook po muna ako sa telemed, may appointment po sana ako with this doc on Sunday para sa rota ni baby pero prang nag hehesitate nako kasi prang aalagaan nya lang kami kung may money kami. Gusto ko po sana ng pedia na forever na, hanggang adulthood ni baby pero d ko masyado na appreciate yung response samin or baka mali lang din ako, Let me know po if I'm being unfair lang din po or of its time to find another pedia and if may ma rerecommend po sila na pedia, super grateful po kami, location namin is sanjuan city metro manila. #advicepls #pleasehelp #firsttimemom #firstbaby #1sttimemom

Hello po mommies, mag ask sana kami ng opinion ng iba about sa pedia
80 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

aba ayos si pedia ah. may na encounter din kami na ganyan before. alam naman namin na big deal ang vaccines pero yung pedia na yun kada pacheck up namin yun talaga concerns nya pa vaccine complete sa kanya at ang mga reseta lagi yung doon mo lang makikita sa pharmacy nya. nakakahiya nga pa check up doon kasi kapag nakikita nya na yung vaxx ni baby e yung mga libre lang sa brgy umiiling sya. nung nakuha ko HMO ng anak ko oumipat na kami pedia, unang check up pa lang ang tanong ni pedia kung napabakunahan ba daw kahit sa BHC. natuwa naman sya nung nakita nya na complete sa Brgy anak ko. tyaka matagal din magcheck up daming tanong at kwento. di sakitin ang anak ko Thank God. tagal nya na wala visit sa Dr. 4yo na sya minsan anak ko na nagyayakag sa doktor kahit konting gasgas lang. pili po kayo ng iba kung meron. ❤️

Magbasa pa