Hello po mommies, mag ask sana kami ng opinion ng iba about sa pedia

May concern po ako sa pedia ni baby. Initially po kasi around 11k po yung singil ng new born vaccines samin per mos, di naman po kaya ng budget so dinala namin sa center, may consent naman ni doc. Ngaun po nilalagnat si baby and nag ask ako ng help ni doc pero seen lang, 2nd msg ko, ang sinagot po sakin is kaya daw nilagnat kasi sa center ko pinabakunahan, and bago dw sya mag answer magbook po muna ako sa telemed, may appointment po sana ako with this doc on Sunday para sa rota ni baby pero prang nag hehesitate nako kasi prang aalagaan nya lang kami kung may money kami. Gusto ko po sana ng pedia na forever na, hanggang adulthood ni baby pero d ko masyado na appreciate yung response samin or baka mali lang din ako, Let me know po if I'm being unfair lang din po or of its time to find another pedia and if may ma rerecommend po sila na pedia, super grateful po kami, location namin is sanjuan city metro manila. #advicepls #pleasehelp #firsttimemom #firstbaby #1sttimemom

Hello po mommies, mag ask sana kami ng opinion ng iba about sa pedia
80 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hello, 37 is normal po, 37.5 is still normal din. Kapag 37.8 that is when you can give paracetamol. Lipat ka po ng ibang pedia kung kanino po kayo mapapanatag. Sana may moms dito na same area mo so they recommend sa iyo. :) I did the same, my baby had a different pedia nung nanganak ako. Sa ospital pa lang after birth, hindi ko na siya bet. Iba ang aura, pero mabait naman magsalita. Basta parang hindi namin siya feel ni hubby. Bumalik pa rin kami sa kanya for follow up check up ni baby. Ganun pa rin, di pa rin namin talaga siya bet kahit ang bait niya naman magsalita. Iba eh. I remember we had a concern din sa eye ni baby kasi may red dot sa puti ng eyeball so I texted her. Ang response sa akin ay yung link ng online consultation niya.🙃 P500 agad yun, yun lang concern namin. So I messaged my pedia friend about it and sent a photo, and she said normal lang yun at mawawala naman ng kusa. Kaya I decided na ilipat baby namin sa pedia friend ko. Now my baby's pedia (the new and current one) ang nagsabi na kunin sa center yung mga meron doon dahil libre. I trust her so much dahil una, friend ko siya, pangalawa, pedia siya sa health center ng bayan nila at nagbabakuna siya doon. Kumbaga, alam niya na ok lang yung mga bakuna sa center. Ang tanging explanation lang naman niya eh mostly sa 5in1 sa center mas malapot kaya mas mahapdi for the baby, pero from center o private naman may chance na maglagnat talaga kaya may reseta na din siya agad for me na nakahanda kung kailangan. Ayun, I did not like the response din sa iyo, and you deserve to be treated well din and not feel bad. So I hope you find a warm and understanding doctor.

Magbasa pa