Hello po mommies, mag ask sana kami ng opinion ng iba about sa pedia

May concern po ako sa pedia ni baby. Initially po kasi around 11k po yung singil ng new born vaccines samin per mos, di naman po kaya ng budget so dinala namin sa center, may consent naman ni doc. Ngaun po nilalagnat si baby and nag ask ako ng help ni doc pero seen lang, 2nd msg ko, ang sinagot po sakin is kaya daw nilagnat kasi sa center ko pinabakunahan, and bago dw sya mag answer magbook po muna ako sa telemed, may appointment po sana ako with this doc on Sunday para sa rota ni baby pero prang nag hehesitate nako kasi prang aalagaan nya lang kami kung may money kami. Gusto ko po sana ng pedia na forever na, hanggang adulthood ni baby pero d ko masyado na appreciate yung response samin or baka mali lang din ako, Let me know po if I'm being unfair lang din po or of its time to find another pedia and if may ma rerecommend po sila na pedia, super grateful po kami, location namin is sanjuan city metro manila. #advicepls #pleasehelp #firsttimemom #firstbaby #1sttimemom

Hello po mommies, mag ask sana kami ng opinion ng iba about sa pedia
80 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

talaga pong may mga bakuna na sadyang lalagnatin ang bata kahit pedia namin sinasabi na lalagnatin ang bata sa bakuna. hindi porke sa health center binakunahan kaya nilalagnat, hindi din porke sa private binakunahan ay hindi lalagnatin. kahit nga yung mga bakuna na hindi nakaka lagnat sinasabi pa rin ng pedia na baka lagnatin e at mag abang ng paracetamol drops in case lagnatin. kasi iba iba ang immunity ng mga baby. ikaw man matanda injectionan ka pag hindi ka sanay or maselan e kahit di naman nakaka lagnat minsan nalalagnat pa din or nag titigas yung braso causing para sumama pakiramdam natin. ganun din sa baby syempre ang liit liit pa nila kaya konting tusok malaki ang impact sa katawan nila. yung pedia na ganyan pera pera lang. yung ibang private pedia nga e sila pa nag sasabi na sa center pabakunahan ang baby. una libre, pangalawa kasama benepisyo natin yan.

Magbasa pa
3y ago

37 po ay normal temperature pa po yan. 37.8 yan na po yung nilalagnat na ang baby. :)