First time mom

college palang po ako at nabuntis ako ng long term boyfriend ko, wala po sa plano naming magkababy po ng maaga pero binigay Niya, tanggap naman po namin kaya po naming panindigan pero natatakot po akong sabihin sa parents ko dahil panganay po ako at inaasahan po nilang makakapagtapos po ako ng pag aaral on time. Ngayon po nasstress po ako kung pano ko po sasabihin sakanila sitwasyon ko ngayon. Hindi ko na rin po alam gagawin ko. Any advice po:))

4 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sa tingin ko po, the sooner na maipagtapat nyo sa kanila, the better. Para kung hindi man nila agad matanggap, meron pa silang ilang months para magmuni-muni at magpatawad. And more importantly, it will be a huge stress off your shoulder. Kung anuman maging reaction nila, tanggapin mo na lng pero at least nasabi mo na. Suggestion ko, isama mo si bf mo kapag nagsabi ka, para makita rin nila sincerity nya and knowing na paninindigan nya ang bata, I think it will be a great comfort to your parents as well. And syempre, prepare and share your plans-- what about your studies? financial? setup paglabas ni baby, etc.? Tiyak na iyan mga concerns nila that can make or break their support. Good luck and God bless po!

Magbasa pa
2y ago

I really appreciate your time and effort in giving me advice🤗❤️