Giving birth..

Check up ko kanina and I asked my OB kung magkano aabutin ngayon ang normal & CS delivery also the process (private hospital). 1st. Required daw po talaga ang swab testing worth P6350.00 kung saan ako nagpapa check up. Kung walang test, hindi pinapayagan ma-admit. Kung negative ang result pede ka mamili kahit anong room gusto mo from ward to private room. Kung positive, isolation room ka at si baby (additional gastos). Kung hindi ka pa nagpapa-test, sa mismong delivery need magpa xray and I think CBC (sa pagkakatanda ko) which is automatic PUM ka na. Dahil PUM ka, isolation room ang bagsak mo after manganak. Additional gastos para sa room since isolation nga. So, since isolation room lahat ng papasok sa room mo medical personnel or visitor need mag PPE. Additional gastos.. 2nd..during delivery if normal 5 medical personnel X P2500 (cost ng PPE sa hospital kung saan ako nagpapa check up) Pag CS naman 7 medical personnel X P2500. Add nalang yung cost ng normal or CS delivery nung wala pang pandemic + rate ng room kung ilang araw ka magstay and any other additional kung sakaling may problem kay baby paglabas. From 35k normal delivery pinapag prepare kami ng around 50 - 70k. Just in case.. ?‍♀️?‍♀️?‍♀️ #TeamJuly

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Grabe ang mahal dahil sa PPE at swab test. 😔 Pero okay na rin siguro basta healthy kayo ni baby ma. Isipin na lang natin ang pera pwede pang kitain ulit.