May case ba na sa tagal ng gamit sa diaper or wipes pwede pa rin magkarash ang baby? Been using pampers for her diaper and sanicare for her wipes since day 1, ok naman sya. Then all of a sudden nagkarash si baby nagstart nung around 7mos now kaka8mos lang. Napacheck up na namin noon, may nabigay na gamot gumagaling pero bumabalik. Every 2-3hrs pinapalitan ko naman basa o hindi. Pinapatuyo ko din bago lagyan ulit ng diaper tsaka para makabreath yung private part hindi ko agad nilalagyan. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa diaper or wipes nya kasi ok naman sya nun, may diaper rash lotion din na nireseta. Hindi ko lang alam bakit pabalik balik pa din. Bigla nalang mamumula. Wala naman nabago sa mga ginagamit nya and routine nya, actually nung nagstart na sya magrash warm water na lang din ginagamit ko minsanan na lang wipes