Ask ko lang po paano nyo inamin na buntis kayo sa parents nyo?23 weeks nkong buntis 3rd year college
#buntis23 weeks

pinakita ko yung ultrasound sabay sabing lola ka na feeling ko kasi may hinala na sila pero hinihintay lang nila ako magsabi. 23 weeks rin ako ngayon and 20 years old lang. nag stop ako this year 2nd sem ng 2nd year kasi ayokong mastress maselan kasi ako. hindi alam ng mama ko na kaya ako nag stop kasi buntis ako. nung nalaman nila hindi naman nila ako sinaktan o pinagsalitaan ng di maganda. siguro kasi kilala naman nila ang boyfriend ko at responsable siya. ngayon okay naman kami dito pa rin ako sa bahay inaalagaan nila ako. sabihin mo na sa parents mo yan mamsh kasi ang mga magulang lagi ka nilang iintindihin at di naman sila gagawa ng ikakapahamak mo. grabe rin ang takot ko nung una pero ngayon wala na kong tinatago and thank god okay ang baby ko.
Magbasa pa



Preggers