Ask ko lang po paano nyo inamin na buntis kayo sa parents nyo?23 weeks nkong buntis 3rd year college
#buntis23 weeks
disaster po saken hehehe. Nalaman ko po late November last year. 23 yrs old kaka graduate ko pa nun sa school year na 2023. although Ginusto talaga naming magjowa na magka baby pero kase hinihintay ko pa ang result ng board exam ko kung pasado ba ako o hindi nung time na yun kaya hindi ko masabi sa parents ko na buntis ako hanggang sa nag bleeding ko at sila ang tumulong saken kase technically anak parin nila ako nalaman nalang nila sa ospital na buntis ako yung nanay ko na shocked nabigla yata inaasahan kase nila ako na tutulong sa bahay namin pagka graduate pero hayun hahahahha ngayon 27 weeks and 3 days pregnant na at kasal narin sa daddy ng baby pinush talaga ng parents ko na makasal kami kase ayaw ko din namang illegitimate ang magiging anak ko. Now naghihintay nalang na lumabas si baby kaya taong bahay nalang din hopefully maka pag work after birth. ngayon lisensyado na ako pero walang trabaho hahaha naghihintay lang ng sweldo sa asawa heheheh pero kaya mo yan beh take the risk and Let God do the rest ipaubaya mo sa kanya
Magbasa papinakita ko yung ultrasound sabay sabing lola ka na feeling ko kasi may hinala na sila pero hinihintay lang nila ako magsabi. 23 weeks rin ako ngayon and 20 years old lang. nag stop ako this year 2nd sem ng 2nd year kasi ayokong mastress maselan kasi ako. hindi alam ng mama ko na kaya ako nag stop kasi buntis ako. nung nalaman nila hindi naman nila ako sinaktan o pinagsalitaan ng di maganda. siguro kasi kilala naman nila ang boyfriend ko at responsable siya. ngayon okay naman kami dito pa rin ako sa bahay inaalagaan nila ako. sabihin mo na sa parents mo yan mamsh kasi ang mga magulang lagi ka nilang iintindihin at di naman sila gagawa ng ikakapahamak mo. grabe rin ang takot ko nung una pero ngayon wala na kong tinatago and thank god okay ang baby ko.
Magbasa paAko naman 4th year college na 23 years old nung nabuntis ako, tapos hindi alam ng parents ko na may bf ako at nabuntis pa nga. Mother ko laging monitored yung period namin hangganga sa nagtataka na sya bakit hindi ako nagpapabili ng napkin ng almost 5months at dun na sila na parang naghihinala. pero umamin din ako inabot ko yung PT at ultrasound and inexplain ko lahat. Mahirap umamin pero kasi di rin talaga matatago since lumalaki na tyan ko kahit patagalin ko pa malalaman din naman at hinarap ko nalang yung consequences. Aminin mo na yan beb, kasi malalaman din nila yan pag nahalata na baby bump mo.
Magbasa paWay back 2011, 18 years old kami nahalata nila pag laki ng tiyan ko kaya na pag sabihan kami pero dapat tanggapin lahat ng mga salita o sasabihin nila kasi ginusto mo naman at nandyan na. Kaya stop ako ng school my partner nag patuloy mag aral 1st year college sya while ako bantay bata. Pagkatapos niya sa college pina aral niya naman ako ang fast forward School Head na sya sa Public school and ako teacher din sa public our first child is now grade 7 ste student 13 year old and we are expecting our second this coming July. So have courage, pray and wag mawalan ng pag asa.
Magbasa paHappily married and we pursue our Masters Degree and graduated so always remember ngayon lang mahirap at darting din and panahon na masasabi mo Thank you Lord for all the hardship, worth it talaga.
just tell them wag kana mag overthink. After all nandyan na yan. kung tanggap nila agad then thank God kung hindi naman thank God padin because he gave you the courage to tell your parents. Ako almost 30 na nabuntis pero di ko din sinabi agad and when i did mas nagalit pa sila na hindi ko sinabi right away.. kaya feel ko mas okay na sabihin mo nalang without much thought. then explain your situation properly and if u need their support.
Magbasa paIlang taon kana ba ? Ako buntis din ako 24yrs old pero graduate na ako college. Nong nalaman kong buntis ako nong Novemeber sinabi ko agad sa partner ko and balak ko sana sabihin sa pasko as surprise pero yung partner ko nagsabi sa magulang ko wala akong kaalam alam hahaha nagchat nalang mama ko alam na buntis ako, di naman nagalit natuwa pa nga kasi di naman ako nagpasaway while studying and meron na kaming stable work ng partner
Magbasa pamatapang nun na humarap yung partner ko sa parents ko kasama parents nya. we're both just 18 years old that time. sobrang strict ng papa ko pero nag tiwala sya sa partner ko, di naman sya nagkamali kasi super responsible naman talaga ng partner ko at maalaga. now we're both 21 na 2 years na ding live in at proud to say never pa akong dinampian ng kamao o palad sa katawan o mukha HAHAHAHA.
Magbasa pacurrently pregnant, 23 weeks. nakagraduate na ko pero medjo conservative at strict parents ko Kaya di ko pa napapakilala jowa ko. sa takot ko,nagsulat ako ng letter para sa nanay ko para di ko makita reaction niya at kakausapin lang ako pag Mas kalmado na siya
sorry mii di ako makapag adviced, ako nasa right age na di ko din maamin sa parents ko kasi complicated naging reason ng pregnancy ko 😔
first pregnancy ko sa chat...tapos sa call
Preggers