Napansin mo ba agad ang mga senyales na ika'y buntis?
Napansin mo ba agad ang mga senyales na ika'y buntis?
Voice your Opinion
Oo
Hindi

13542 responses

227 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

This is my first pregnancy, 8weeks.. Di ko na alam gagawin ko sa sobrang selan ng pagbubuntis ko, halos mayat maya nasusuka ko kahit wala ng maisuka parang acid na nga ang nalabas, gutom pero walang ganang kumain. laging sinisikmura... Any advice naman mga momsh😥 Kinakaya ko lang para sa baby ko.

1y ago

parehas na parehas tayo, napasugod pa nga kme ng partner ko sa hospital na swero ako tapos ang timbang ko bumaba. grabe pag susuka ko non at hinang hina wala din gana kumaen kinuhaan ako dugo potassium at nakita na medjo mababa pero nasa range parin ng 3. at eto ako ngayon medjo nakakabawi na sa kain. small frequent lng ang kain ko.

Hindi ko alam na buntis ako kasi monthly akong may period, kaso nga lang nagtaka ako bat tumagal tas grabeng sakit ng puson ko.. Tas nong nag PT ako nagpositive .... wala akong morning sickness di ako nagsusuka mapait lang lalamonan ko ..matakaw nga lang sa pagkain maya maya nagugutom ako...

Hindi po..since irregular po ako,always akong na dedelay ng 1 month so di talaga pumasok sa isip ko na buntis na ako..Actually were planning to do a medication since medyo matagal na kaming nag try...But thanks God,hindi pa kami nagstart eh dumating na yung blessing..🥰🥰🥰

wlaa pa Nung mag 1 buwan pero Nung mag 2 months na Meron na laging nahihilo gutom ganun lang Kase Nung una nasakit puson ko kaya iniisip ko na magkaroon ako pero Hindi Nako nagkaroon TAs now 2 months na lagi ng gutom kahet kakakain palang naghahanap na agad ng makakain,♥️

1st time mom here" 1 week ko lang nafeel yung pagsusuka, walang ganang kumain, kahit konti lang kinakain ko busog naku tapos gutom na naman.. nararamdaman ko talaga na parang may iba sa katawan ko and finally ! 9weeks nakong preggy".. excited na kami sa TransV❤️😊

hindi po .. after ko magtrangkaso nagtaka ako bakit 1week na dipa din ako nakakakain ng maayos na parang ayaw ng sikmura ko lahat ng kainin ko kayang hinang hina ako, kaya naisip ko mag pt .. at positive nga🥰❣️

lagi nahihilo at prang masusuka at walang gana kumain at nag ccarave ng ibat pag kain prang pagud na pagud ang katawan kht wlang gnagwa piling ko my sakit ako sbrang tamad kumilos wlang gana kumain😳 8 weeks pregnant😇

Nakamonitor kasi ako sa aking katawan. Kaya napansin ko agad ang changes and I thought preggy ako. I did my pregnancy test during my 2nd week then had my ultrasound on my 6th week. My baby has a normal heartrate :)

11yrs bago masundan graveh ang challenge ko ngayon s 2nd baby ko halos gusto ko lang palagi nkahiga at natutulog, pili lang gusto ko kainin palagi pa ako naduduwal may maamoy lang ako na di gusto ng pang amoy ko..

pag gising ko na lang one morning, iba na agad naamoy ko. amoy maasim na mangga ang hangin 😅. at parang sobrang conscious ko at sobrang ingat sa ginagawa ko kahit di ko pa totally alam na preggy pala ako 😁