naniniwala ba kayo na malakas makausog ang buntis?

Buntis kasi ako ngayon with our 2nd child. Ang napaglilihihan ko yung 1st born ko. As in gigil na gigil tas sarap titigan ng face nya tska hindi ko mapigilang pisilin ang cheeks nya e lalo pa nagpapa cute sa akin. Nung isang araw medyo napasobra ata pang gigigil ko sa anak ko. The following day sabi nya tummy ache, nilagyan ko lang ng oil, pero nag suka siya once pagka gising tas naka ilang watery poop siya the whole day. Nag 37.8 pa temp nya nung gabi so binigyan namin tempra. Wala kami idea bakit nagloko tummy nya e parepareho lang naman kami ng kinakain. Before matulog sabi ng husband ko lawayan ko daw kaya, baka kasi nausog ko. So nilawayan ko naman, nagtaka lang siya anu ginagawa ng mommy nya. Then the following day parang walang nangyari. Solid na ulit yung poop, no more vomiting. Tempra lang naman meds namin binigay sa kanya. He's 3 year old na. Ngayon, every time na pinang gigigilan ko siya, nilalawayan ko na din after. Nausog ko nga kaya yung anak ko? ?

 profile icon
Magsulat ng reply
Maging una na mag-reply