Share ko lang,wala kasi akong mapagsabihan.:(
Buntis ako,nacrave ako sa pansit na bigay ng kapit bahay,pagkabigay tinikman ko kaagad,biglang nagsalita bf ko na Patay Gutom daw ako,nasaktan ako don sobra bigla nalang ako napahinto at nagkasagutan nalang kami.

Ako din e ang sensitive ko. Hindi pa namin alam na buntis ako, napapansin nang partner ko sobrang lakas nang cravings ko. Order ako nang order sa jollibee at mcdo 😂 sinabihan ba naman ako maawa ako sa ktawa ko. Ganyan din naging reaksyon ko. Tumigil ako sa pagkain at maghapon ko siya di kinibo. Sobra talaga ang cravings. Bago ako mabuntis kaya ko yang mga fasting na yan. Pero ngayon kung ano maisip ko kelangan makain ko kapag hindi ko nakain. Nagagalit ako sa partner ko, nagagalit talaga ako. Para ako mababaliw 😂 tapos isusuka ko rin 🤮.
Magbasa pa


