JUDGY MOMS

Bukod sa pagod, nakakapressure pala maging nanay lol Pinaka-nakakapressure eh tong mga to: > "Parang pumayat baby mo." Pasok po ang weight and height nya sa normal range for her age. > "Tataba din yan." Seriously? Di naman mandatory sa babies ang tumaba. Genes also play an important part when it comes to their body mass. Kapag di tabain ang magulang, there's a possibility na di din tabain ang anak. > "Patabain mo, mas maganda sa baby ang mataba." Wala ng mas gaganda pa kung healthy ang baby. Physical appearance of the baby is not enough to be the basis of her health. > "Hala, maitim baby mo, di nakuha kulay mo." Hala, ano naman? Kailangan talaga maputi ang anak ko at nakuha ang kulay ko? Matindi na po ang global warming and dark-skinned people have more melanin in their skin that can protect them under the harmful UV rays. So mas nanaisin kong maitim ang anak ko. Maputi ka nga, mas prone ka naman sa skin cancer, di bale nalang. Charet. ? Yon lang. Thanks to @Laura Clery for the inspiration ?? "Ignore judgy people, mommies. You are the mother, you know what's best for your child, not them."

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

True! Naka follow din ako kay Laura.