Going 38 weeks pero wla padin milk breast ko itsnormal po ba
Breast feeding
meron po yan, kaso yung itsura is parang water or yellowish na liquid, tawag po dun colostrum which is Kilala din as liquid gold. Yun lang po muna yung need ni baby sa first few days niya since kasing liit palang ng marble yung stomach nila after birth. Di po need na madami and di rin need na milk kaagad yung lumabas. lalabas po yung milk pag na-stimulate yung breast while sucking or dumidede na si baby kasi yun yung nagse-send ng signal sa brain to release yung hormones para magproduce ng milk yung mammary glands natin.
Magbasa paExclusively breastfeeding ako on both of my los and never ako nagkaroon ng milk during pregnancy. Paglabas po ni baby at placenta, this will automatically signal.your body to produce milk so just make sure na ilatch agad si baby. I highly recommend po na magjoin kayo sa FB grp na "Breastfeeding Pinays" for proper education and support group on breastfeeding ☺️ (https://www.facebook.com/groups/breastfeedingpinays/)
Magbasa paAs per my OB, kusang lalabas yan pag nakalabas na si baby at ang placenta 😊 magsi send ng signal ang brain mo sa katawan mo kung kailan ito pwede mag produce ng breastmilk 😊
sakin po 6 months palang ako buntis tumutulo na gatas ko first time mom po 36 weeks napo ngayon🥰
hanggang ilang weeks po dapt manganak isang preggy no signs of labor padin 38weeks npo Thanks