I Have 6 months old baby ..may I ask Matagal po ba mag regla ang full time breastfeeding mom??

33 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

bf din po ako ang 1yr 3mons after pa ko ulit nagkaron. 19 months old na baby ko and bf pa din. I guess depende sa katawan, ako kasi I struggled breastfeeding. Yung mga kilala ko naman na di namroblema sa supply or di gaano stressed dinatnan agad. haha ayus ang ikinastress nila kasi baka masundan agad hahahaha. kidding!

Magbasa pa

Yes matagal po .. pero iba iba yan depende sa katawan ng nagpapasusu yung iba maaga din nagkakaregla pero mostly umaabot ng 1year yung iba nga upto 2years pa . kung nagkakaregla naman normal din na irregular pa dahil yun sa nagpapasusu pa rin.. ako mag 11mos old si baby nung nagka period

Hi, based on my experience po depende sa katawan ng tao. Breastfeed din po baby ko, pero bumalik din agad yung menstruation ko, while yung kakilala ko na same month and year kami nanganak, matagal bago bumalik

ako momshie 4 months na baby ko full breastfeeding mom here , pero dipa ako nireregla . sabi nmn mama ko sya din dati nong nanganganak pa dya umaabot lagi ng 1 year bago sya datnan ng mens.

Hi ako po exclusively breastfeeding and 1 yr & 11mos napo si baby, nabanggit nga po na matagal daw magka regla pero sakin po dati after 2mos nun nanganak ako nagka period napo ako agad

8mo ago

Depende din daw po yun sa katawan momshy. Iba iba po kasi per body ang level ng hormones natin kaya yung iba agad agad dinadatnan yung iba matagal pp

depende po cguro sa katawan ng nag papasuso ako kc,after a month ngka period n ako pero patak2 lang din nung after 6month ok n period ko.

ask lang po, normal lang po ba na medyo maalat ang breast milk na lumalabas? safe ba kay baby? sana may makasagot. 6days palang po akong nangank

Depende po ata sa katawan ng tao iba iba po ata kasi ako 1month plang si baby nag regla na ako mag 3months na ngayon ang baby ko

ebf mom here.. sa case ko po 9 months na si baby nung bumalik regla ko. depende po yan sa katawan ng mommy. Hindi po parepareho

Depende ata mommy? Kasi ako meron pa akong bleeding 1 month pagkapanganak, then the next month nagkaregla na din.