Pakikisama kuno

Biglang sumama loob ko, kasi nung namalengke asawa ko nagawa nya pang bumili ng panghandang pulutan na leeg ng manok para sa birthday nya, nakaramdam ako ng selos kasi feeling ko mas gusto nya pa magcelebrate ng bday kasama ng kainuman nya. Ngayon lang din kami nagkasama kasi every birthday nya nasa duty ako. Sabi ko gusto ko kainin ung leeg ng manok, eh di wala xa nagawa pinagbigyan nya ako kasi 8mos akong buntis. April 5 bday nya, ginawan ko xa ng black sambo gelatin, kasi walang cake un na lang muna. Eh di hinandaan xa ng ninong kong hilaw, ng humba na panga ng baboy, 5pm nag start natapos mga 7:30pm,pabor naman saakin na ganun lang ung oras ng pag inum nila, ung katabi naming bahay, nakita ung ninong kong hilaw na nag iinum dito, eh di tinawag sya. april 6, nainggit siguro tyuhin ko, eh di inaya ung asawa at ninong ko, 5pm ulit, mga 8pm umuwi na asawa ko, kasi sinabayan nya na sa pag uwi ung ninong ko, ok pa saakin un apr 7 pahinga sa inum apr 8,inum na2man., 3pm start hanggang mga 8:30pm,ung anak namin nainis na sa papa nya, naghihiyaw na sa bakod ng tyuhin ko na, "hoy pa2! laklak ka nalang ng laklak, ilang araw kana umiinum! mamamatay ka na nyan!", naawa ako sa anak ko kasi kahit anung sigaw di xa pinakinggan. Ako naman nagpipigil lang, kasi ayaw ko nga magpastress, para naiinis na rin. Ginawa ko, pinailawan ko ung balcon, eh di nakita ako ng asawa ko, sumenyas pa na wait lang at ok lang sya. Di talaga nadala, eh di lumabas ako kumuha ako ng bote ng gin na nakatambak, balak ko na talaga magwala at magbasag ng bote kasi di ko na talaga mapigil ang inis ko. So, sa madaling sabi di ko nagawa, siguro narinig ng asawa ko na nagpulot ako sa nakatambak na bote, eh di kinuha nya na ung pitsel namin at umuwi, mag aaya kasi ng inuman sa kabilang bahay, ung pinapadeliver ko pang tubig ang ginagamit, ayaw ipagamit ung tubig sa kanila. Sabi ng asawa ko, wag daw akong mag wawala kasi ako daw mapapahiya at lalabas na masama ang ugali. Sa tingin nyo pag galit kayo kailangan pa na nakapoise pa? Ginagawa nya daw un na makiharap sa tyuhin ko, para daw pag emergency sakaling alanganing oras na manganak ako, eh magamit daw ang service. Sabi ko sa kanya di nya naman kailangan makisama sa inuman para lang pagbigyan xa, kung bukal sa loob na ihatid kami sa ospital ga2win at ga2win un. 20 yrs ago, tricy pa service nila na nakagat ako ng aso sa right thigh ko, mga 1 inch na lalim at kasing laki ng oblong na pendant ung kagat, hinihiram. namin ung susi ng tricy para maihatid ako ng ospital, ayaw ipahiram. Pinagsarhan pa kami ng pintuan, bahala daw kami kung pano namin mapaandar ung tricy na walang susi, buti na lang may kapitbahay na marunong magrekta ng wire para mapaandar ung tricy kaya ako nadala sa ospital. Para kasing wala ng respeto saakin ang asawa ko, pag inaya, oo agad di man lang kumonsulta saakin kung ok o hindi. Pag nagkasakit di naman sya 22lungan ng mga kainuman nya.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Talagang kung kelan may social distancing tska pa sila nag iinuman. Paka husay naman nilang mga nilalang

5y ago

yan pa ang kinaiinisan ko nga, mga nka2bwiset.. pwede naman makisama na di dapat idaan sa inuman