Makikipaghiwala o hindi?

May bf po kasi ako , may trbaho naman po sya at kumikita naman pong maayos. Kaso im 7 months pregnant po, nag loan po kasi ako para sa may matirihan kami ng maayos ng bata at pati narin po ng bf ko kaya konti nalang po sweldo ko dahil sa loan ko. Yung bf ko po may savings po sya, plano po namin savings nya para po sa panganganak ko medyo maselan kasi pag buntis ko. Pero lately po, ginastos nya pambili ng manok. Next year pa din po nya balak magpakasal pero gusto po sana namin ng family ko ngayon po. Pero ayaw nya po. Tas marami pa po sya problema sa kanila. Willing naman ako intindihan sya at syempre family nya po iyun at mahal ko family nya pero natatkot po ako baka sabong lang ng sabong po sya kalaunan. Kaya napag-isip po ako baka makikipaghiwalay nalang po ako sa kanya. Masakit po kasi mahal ko po sya pero buhay na po kasi nya sabong po. Pa help naman po.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Nasasayo po tlaga ang desisyon. Pero ang bisyo ay walang naidudulot na maganda, away lng ang dala nan at wala naman magandang naibubunga ang sabong. Maraming pwedeng mapaglibangan kesa magsugal. Mas maganda pa ang mag negosyo na libangan. Magkakautang utang lng kayo sa sugal. Mas magandang pagusapan nyo yan mabuti. At lumayo kayo sa lugar kung nasaan ang sugal nya. Kung hindi sya willing magbago kahit anong gawin mo magpapa ulit ulit lng ya. Magpray ka lagi. Ipagpray mong magbago sya para sa baby nyo. Magusap kayong mabuti. Ang pagpapakasal naman ay dapat mapagkasunduan nyo. Kase kung ayaw nya naman ang ending nan maghihiwalay din kayo. Di nmn kailangan ng bonggang kasal kahit civil wedding lng ay ok na.

Magbasa pa
Related Articles