Postpartum

It's been 3 weeks since nanganak ako. Normal dapat kaso ayaw bumaba ni baby kaya turned to CS (pumutok na panubigan ko at 13 hours labor na). Sinamahan ako ng mom ko for a week para maalagaan at mabantayan kami ni baby since si hubby ay no RD sa work niya at gabi na umuuwi. Since kakapanganak ko pa lang, medyo may tyan/bilbil pa ako. Payat ako noong dalaga ako (42kg). Nalulungkot ako pag binibiro ako ng asawa ko na malaki daw tyan ko, alam ko way niya ng pangaasar/lambing lang sakin yun, kasi nung buntis ako niloloko niya ako ng ganun. Noong buntis ako ok lang sakin yung ganung biro niya kasi alam ko may baby sa tyan ko, pero ngayong di na ako buntis at ganun pa rin sinasabi niya, naaasar ako at naiiyak. Nakakainsecure kasi. Feeling ko ang pangit ko na at ang taba ko na. Pag binibiro niya ako ng ganun, dedma ako, di ko pinapahalata na nasasaktan ako. Full time housewife/mom ako, lahat ng gawain sa bahay akin, at pure breastfeed si baby. Naiinsecure ako sobra, di ko alam kung kailan uli ako papayat para masuot ko na uli yung wedding ring namin, kung kailan babalik sa dati yung katawan ko...

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Wag ka po mainsecure mommy wag ka maasar naglalambing lang yun. Maganda ka. Ang ganda natin kapag buntis. Di lang nasasabi ng hubby mo pero sobrang saya nyan kapag nakikita kang inaalagaan mo si baby. Unti unti alagaan mo din sarili mo. Wag ka padala sa emosyun mo mommy. Be happy.

VIP Member

Same as me sissy