Be honest: madi-disappoint ka ba kung lumaking bading o lesbian ang anak mo?

176 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Di siguro disappointment mararamdaman ko but fears. Fear na madjudge sila and mistreated dahil sa ganun. We know how harsh this world is now.

Yes po for me wala pa man din hiniling q na na baby girl ang ibiyaya ni God saken kaya sana at dapat pure girl xa sa pglaki nya 😔🤗😇

Ako kahit anong mangyari sa anak ko mananatili akong magulang at nanay sa kanya, ang pagmamahal at pagsuporta ko ay hindi mawawala para sa kanya.

VIP Member

Somehow, siguro. Pero kung doon sya masaya, tatanggapin ko pa rin naman sya at mamahalin. And I will still be proud sa mga maaachieve nya.

Hindi. Wala ka naman kasi magagawa kung magiging ganun sya. Tatanggapin mo nalang at suportahan sya, yun ang best na paraan.

At first siguro kasi as parents gusto naten na magkapamilya anak naten..pero kung yun ang choice nila, kelangan iaccept at iguide sila.

yes, kasi i want them to marry and have children when they get old. but i will still love and give the best for my child no matter what.

VIP Member

di ko pa alam pero sana wag. no offense po Sa LGBT community. do ko lang po talaga alam mararamdaman if ever nangyari kaya Sana wag.

Mas madidisappoint ako on my side. Pagganon nangyari, nagkulang ako/kami magulang para iguide siya/silang anak namin.

No, he/she can be whatever he/she wants, as long as wala syang natatapakang tao there's nothing wrong with that 😊