BAWAL BA SA BUNTIS ANG SOFTDRINKS?

BAWAL PO BA SA BUNTIS ANG SOFTDRINKS? KAGABI KASI NAKITA KO NAG RC YUNG KAPATID KO NAINGGIT AKO TAPOS ETONG MGA 8PM KUMAIN AKO AT GUSTONG GUSTO KO TALAGA MAG RC SOFTDRINKS NGAYON LANG NAMAN AKO ULIT NAGSOFTDRINKS OKAY LANG PO BA 7 WEEKS PREGNANT PO AKO?

15 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mommy pag inggit pikit charis😁 pero ako kasi nung buntis kahit gusto ko uminom o kumain tapos nalaman ko bawal kahit pwede daw basta in moderation lang.. Hindi ko pa rin sinusubukan kainin o inumin😊 mas di ko malunok pag alam ko pwede makasama sa baby ko. Mas importante sa akin yung safe lahat ng kakainin ko para healthy si baby..

Magbasa pa

Nung 1st baby ko mami wala ako naging prob kahit mag soft drinks ako. Now 2md baby ang maselan nagka GDM ako. So ngaun kahiy tikim wala nam iwas talaga ako. Water and Anmun nlang iniinom ko. Di na rin ako nag kakape. Pwede nmam sguro basta wala ka diabetes and UTI basta in moderation lang mami.

kung nagccrave ka mami sa softdrinks, try mo tong fruit soda ng zest-o. caffeine free sya, ito iniinom ko minsan kapag nagccrave ako sa sd bawal kasi ang caffeine satin. pero limit lang dapat kasi matamis sya, inom ng water agad after uminom nyan.

Post reply image
VIP Member

pwede naman mommy kaso dapat limitahan din ang intake since mahirap din magkagestational diabetes. pwede ung tikim tikim labg pra wala mawala yung cravings mo. ganon gnagawa ko dati. isang sip lang tapos okay na ako. basta nalasahan ko na. hehe

sa akin palagi ako uminon nang softdrinks.. maka ubos aku isang litro sa isang araw. 😄😿ok naman yung OGTT result ko.. peru ngayun nanganak na ako.. ok naman c baby pati ako ok na ok. 😊😊😊

Hi, mommy. Hirap din ako pigilan yung softdrinks lalo na pag sobrang init. Buti inapproved sa akin ni Doc yung Coke Zero. 😅 Parang almost 3-5 times a week ako umiinom.

pwede nman po basta hinde sensitive pag bubuntis mo 31 weeks preggy nainom din ako pero wag masyado marami tapos inom ng maraming tubig

Hala ako nga sis 20 weeks ng preggy pero panay paden ang softdrinks nakasanayan kasi pero umiinom lang ako madaming tubig HAHAHAHAA

VIP Member

ok lang po siguro konti to satisfy your cravings pero kung araw arawin kabahan na po UTI is waving mas madaming complication

VIP Member

Hindi naman bawal sis, pero hindi advisable kasi maraming sugar ang mga softdrinks. Baka magka diabetes ka habang buntis..