BAGONG PANGANAK
bawal ba talaga uminom ng malamig na tubig pag bagong panganak? at bawal rin maligo? jusko init na init nako😭😭😭
Sa 1st baby ko after 5 days naligo na ako CS kasi ako kaya bawal pa mabasa sugat pero nung pwede na ako uminom at kumain after giving birth malamig na tubig na iniinom ko
pagka panganak ko uhaw na uhaw ako, paglipat ko sa room , humingi ako sa asawa ko tubig, ubod lameg binigay saken pambihira,nainom ko tuloy,ok naman sarap nga e hahaha
unang araw lng aq d naligo kasi dq kaya bumangon at gumalaw..cs kasi aq pro 2nd day sbi ob q pwede n aq maligo kaya un pro mainit ung kaya ng katawan q ang pnligo q..
Sakin sa 1st born ko hindi pwede lumabas ng hospital hanggat di naliligo. So pagkapanganak ko pahinga lang then pinaligo na ko agad ng doc. Running water pa yon.
if naniniwala ka sa binat atleast 1week. If not then pwd naman gawin mo gusto mo. Ako kasi naniniwala after 1week naligo with dahon dahon and nagpahikot ako.
Myth , inask ko ob ko kung pde na maligo sabi nya oo kht now pa cs ako wag lng daw basain tahinpwede din malamig n water basta hinay hinay wag bbiglain
Pamahiin lang yang bawal maligo, kung sa ob ka magtatanong baka napagalitan ka pa 😅 usually kinabukasan pupwede na basta kaya mo na go, ligo!!
paglabas ko ng hospital after 2 days saka ko nakaligo sa bahay, CS ako kaya parang hinang-hina pa at groggy sa dami ng gamot na itinurok sakin
cs mom here.warm water muna accdg kay ob ang dapat inumin. after ko lumabas ng ospital naligo n ako,pakulo muna ng mainit n tubig panligo.
Sa 1st baby ko nag order agad kami ng starbucks and naligo rin ako on that day sympre hot water gamit sa shower 😄