Naririndi ako.

Bat po ganito yung nararamdaman ko? May time na sobrang naririndi ako pag umiiyak yung baby ko. Mag1 month palang kami ni baby. Naiirita po ako minsan pag nadidinig kong umiiyak si baby lalo po pag feeling ko nagsasama sama na yung puyat pagod at gutom. Ako lang naman po kasi mag isa nag aalaga kay baby. Laba ng damit ni baby damit ko linis ng kwarto namin hugas ng mga feeding bottle ni baby ako gumagawa. Laging wala yung lip ko. Masama po ba akong nanay? Ngayon ngayon lang po kasi hinayaan ko lang umiyak ng umiyak si baby tapos tinititigan ko lang siya. Hanggang sa namula nalang siya ng husto tas di na huminga sa pag iyak niya. Don lang po ako parang nagising tapos naiyak nalang din po ako 😭 Naawa po ako bigla sa baby ko. Sorry ako ng sorry sa kanya. Kinakausap ko siya tapos nginitian lang niya ako (pag kinakausap ko kasi siya nakatitig lang siya lagi sakin tapos ngingiti. Para bang nakakakita na siya) Sobrang naguilty ako sa ginawa kong hayaan siyang umiyak lang. Sobrang hirap palang walang katuwang mag alaga. Ftm po ako. Nakapag alaga naman na ako ng baby pero parang bagong bago sakin lahat itong nararanasan ko ngayon. Iba pala pag sarili mo ng anak πŸ˜” feeling ko kulang pa din yung ginagawa ko bilang nanay ng anak ko 😞😞😞 #1stimemom

3 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Naexperience ko din po yan during the first 2 weeks, sobrang hirap and maiiyak ka na lang bigla kasi parang ubos na ubos ka na, pero sinabihan ko husband ko na hayaan nya lang ako umiyak kapag nakikita nya ako ksi un ung way ko marelease ung stress and anxiety after that okay na ako ulit laban ulit. May times pa nga na ngpapabreastfeed ako kay baby and puyat na ako and pagod, naramdaman ni baby na umiiyak na ako and nakatitig lang sya skin pahinto hinto ng pagdede. Doon ko na realize na need ako ng baby ko kaya khit mahirap tiisin muna ksi minsan lang sila baby. Ngttry din ako mgsulat ng diary bsta may time ako or super stress as a way na marelease sa isip ko and it helps a lot. Laban lang.

Magbasa pa