RECURRING UTI
Bat kaya hindi nawawala UTI ko kahit uminom na ako ng antibiotic ng 1week, umiinom pa ako ng katas ng niyog at yakult halos everyday. Nagpaculture na din ako ng urine and discharge ko pero wala naman sila nakita? Hindi na din po ako umiinom ng softdrinks. Ano kaya possible reason?

Urine culture and sensitivity is a confirmatory test, if walang bacteria na naggrow within 48 hours sa result po is wala na po kayong UTI. yung iba po kasi nagbibigay sila ng container na hindi sterile if urinalysis lang naman. pero sa Urine C/S po kasi sterile talaga ang pinoprovide na container. and another factor po kasi ay mali ang process natin ng pagcatch ng urine natin or nattouch sa ating skin kaya sumasama yung bacteria sa labas at magiging result po talaga yun na may bacteria. always change your panty 2-4 times a day, palagi po magwwash after umihi para maiwasan magkabacteria o mangamoy, water lang po muna ang ipang hugas wag po muna gumamit ng soap o fem wash to avoid irritation, drink plenty of water, wag magpipigil ng ihi, and always wipe after you wash front and back, minsan po nakakacause ng UTI ang maling way ng pag wipe, yung inuuna ang pag wipe sa back, kaya yung bacteria sa back napupunta sa front. kaya be mindful din po sa wiping. yun lang po. sana makatulong. Godbless!
Magbasa pa