Hi. No to bash please. Hindi ko po talaga alam kung ano na nangyayari sakin. Mabilis po uminit ulo ko nitong mga nakaraang araw lalo na sa eldest ko na 5 years old. Umabot na po na sa sobrang inis ko dahil sa simpleng ingay niya lang, nagawa ko siyang sakalin tapos natatauhan na lang ako pagkatapos. Kanina naman po, nasabunutan ko siya dahil naiirita ako kasi gusto nya makipaglaro sakin pero di ko magawa dahil may bini breastfeed ako na 5 months baby at ang ingay ingay niya. Hindi ko rin mabigyan ng oras sarili ko mag cool down dahil di ko alam san ako lulugar dito sa bahay namin dahil bigla nagsidatingan mga biyenan ko. Ni hindi ako maka iyak sa asawa ko sa mga nararamdaman ko o hindi ko masabi sa kanya kung anong stress ung binibigay nila pamula nung dumating sila sa bahay namin mag asawa lalo na sa kanila lang naubos ung pera na dapat para sa mga anak ko at ung mga pananalita nila na di maganda sa tenga ng isang bata. Pakiramdam ko nahahawa na ko sa ugali nila na kahit sa simpleng ingay o paglalaro lang ng anak ko, pagagalitan nila. Tapos inabot pa ng lockdown na kasama asawa ko sa no work, no pay. Ayoko talagang sinasaktan anak ko pero di ko na alam nangyayari sakin.
Anonymous