Badly need your advise.
Hindi ko na alam ang gagawin ko sa asawa ko. 5 years na kami magkasama sa March 3. At 1 year na kaming kasal nung Feb, 14. totoo ung sinasabi ng nakakatanda na kapag nakasama mo na sa iisang bahay ang asawa mo, dun mo na makikita ang totoong ugali. Totoo nga kasi mas lalong lumala ang ugali ng asawa ko. Umaabot na sa point na kung murahin at sigawan ako ganun na lang, tapos hindi ako makapalag dahil tabing bahay lang namin pamilya nya. Ending iiiyak ko na lang sama ng loob ko! Gusto ko ng makipag hiwalay pero iniisip ko anak ko. Ayaw kong lumaki syang di buo ang pamilya nya☹️. Palagi ko kinakausap mister ko about sa ugali na meron sya, alam nyang sya ang may mali. Kesho di nya daw mapigilan emosyon nya. Napapagod na ko umintindi sa taong di naman nagtatanda. Paulit ulit na lang ung cycle naming dalawa. Isang araw lang kung matauhan tapos kinabukasan ganun na naman iaasal. Di ko na alam gagawin. Kakalaban ko sa relasyon na meron kami ako naman ang nauubos. Minsan pumapasok na sa isip ko magpakamatay pero inaalala ko ung anak ko kung sinu mag aalaga at kanino mapupunta. Btw mag 6 months palang baby ko. Nagkapost partum ako dahil sa kanya. Di ko alam kung mabait ako o bobo☹️ Ni singko di nya ko mapahawak ng pera na para sakin talaga. Ni tinapay di ko mabili sarili ko . Ang binibigay nya lang sakin ay yung para sa mga gastusin dito sa bahay at para sa mga hulugin pa naming gamit. Naiintindihan ko naman kung nagigipit sya. Wag na lang sana sabayan ng ugaling meron sya. Ngayon ang gusto ko gawin, umuwi muna sa mama ko sa probinsya para makapag pahinga naman ang isip ko. Hindi ko alam kung papayag sya. Sa palagay ko hindi kasi madamot din sya sa pamilya ko gaya ng pagdadamot nya sakin.